Joshua Garcia, nakisaya sa game show na Family Feud ng GMA

Joshua Garcia, nakisaya sa game show na Family Feud ng GMA

- Nakisaya sa programang Family Feud si Joshua Garcia kasama ang ilang cast ng Unbreak my Heart

- Simula na ito ng mga pagkakataon kung saan ang isang Kapamilya Star ay mapapanood sa GMA

- Katunayan, ang bago nilang serye na Unbreak my heart ay pagsasanib pwersa ng GMA at ABS-CBN

- Makakasama niya sa naturang serye sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Game na game si Joshua Garcia na nakisaya sa programang Family Feud ng GMA.

Joshua Garcia, nakisaya sa game show na Family Feud ng GMA
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga unang show ng GMA kung saan mapapanood ang isang Kapamilya Star.

Isa umano ito sa mga huling episodes ng Family Feud ni Dingdong Dantes.

Sa pasilip ng 24 Oras, mas lalong nanabik ang mga fans nang mapanood si Joshua sa nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unang serye na pagsasanib pwersa ng GMA, ABS-CBN at VIU.

Read also

Ogie, sinabing sina Vice at Liza ang mga naging alaga na 'di niya malilimutan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang komento ng ilang netizens:

"Nakaka-happy makakita ng Kapamilya na nasa Kapuso show"
"OMG! Joshua lalo akong na-excite sa Unbreak my heart"
"Good decision yan. Nakakatuwang makita ang mga Kapamilya na nasa GMA"
"More shows po with Joshua. Isa siya sa mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon"
"Grabe simula na yan. Sunod-sunod na ang mga palabas na galing ABS-CBN ang artista pero sa GMA mo mapapanood"

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.'

Naging bahagi siya ng TV series na Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Read also

Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy

Matapos ang hiwalayan nila noon ni Julia, wala pa ring ipinakikila si Joshua sa kung sino ang kanyang bagong nobya. Subalit tulad ng napapansin ng mga netizens, nadadalas na makita umano ng marami na magkasama ni Joshua at Bella Racelis. Noong Disyembre 2022, namataan ang dalawa na magkasama sa Eraserheads concert. Subalit, ilang buwan lang ang lumipas, umugong ang balitang nag-unfollow sa social media ang dalawa bagay na ginawang biruan ng marami na maari na muling gumawa ng pila para kay Joshua.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel