Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

- Kinagiliwan online ang larawan ni Joshua Garcia nang mag-escort ito sa Sagala sa Batangas

- Kuha raw ito noong 2012 at ang kanyang kapareha mismo ang nag-upload nito

- Aminado ang kapareha na si Joshua talaga ang agaw-pansin sa kanilang Sagala

- Masaya umano siya na bago sumikat ang Kapamilya actor, nabigyan siya ng pagkakataong makapareha ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang larawan ni Reina Carisse Forteza-Abrigonda kung saan naging escort niya si Joshua Garcia sa isang Sagala.

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha ang larawan sa fiesta ng San Roque, Bauan, Batangas kung saan isa si Reina sa mga naging muse na nagsagala.

Kwento niya sa Pilipino Star Ngayon, wala raw talaga siyang escort subalit may kumausap na lamang umano sa kanyang nanay na mayroon ngang ipapareha sa kanya.

Read also

Joshua Garcia, nakisaya sa game show na Family Feud ng GMA

Hindi pa raw niya noon kilala si Joshua lalo na at sumali ito sa Pinoy Big Brother tatlong taon pa ang lumipas mula noon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminado rin si Reina na talagang agaw-pansin na noon pa man si Joshua na mas tinitingnan daw ng mga manonood kaysa sa kanya.

"Kung alam ko lang na sisikat ka, sana pala sumagala na tayo simula Batangas City hanggang Mabini," ang caption ni Reina sa kanya na ngayong viral post.

Masaya rin daw siyang makapareha si Joshua bago pa man ito gumawa ng malaking pangalan sa Showbiz.

Umabot sa 127,000 na reactions at 27,000 shares ang naturang post ni Reina.

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.

Read also

Ogie, inusisa sina Cherry Pie at Edu: "Hindi ko na alam kung sila pa rin"

Naging bahagi siya ng katatapos lamang na TV series, ang Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Matapos ang hiwalayan nila noon ni Julia, wala pa ring ipinakikila si Joshua sa kung sino ang kanyang bagong nobya. Subalit tulad ng napapansin ng mga netizens, nadadalas na makita umano ng marami na magkasama ni Joshua at Bella Racelis. Noong Disyembre 2022, namataan ang dalawa na magkasama sa Eraserheads concert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel