Ogie, inusisa sina Cherry Pie at Edu: "Hindi ko na alam kung sila pa rin"

Ogie, inusisa sina Cherry Pie at Edu: "Hindi ko na alam kung sila pa rin"

- Nausisa ni Ogie Diaz ang tungkol sa relasyon nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano

- Ito ay dahil sa wala na umanong post ang aktres na kasama niya ang kasintahan

- Ayon sa source ni Ogie, naghiwalay daw ang dalawa subalit nagkabalikan din

- Hindi lang malinaw kung hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang relasyon nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanong ni Ogie Diaz ang isa niyang source kung may katotohanan ba ang umano'y paghihiwalay nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

Ogie, inusisa ang relasyon nina Cherry Pie at Edu: "Hindi ko na alam kung sila pa rin"
Cherry Pie Picache and Edu Manzano (@yescppicache)
Source: Instagram

Kapansin-pansin umanong wala nang gaanong post si Cherry Pie kung saan kasama niya ang kasintahang si Edu.

"May napagtanungan naman ako. at ang sabi e, nahihiya raw siyang magtanong kay Edu. Tinanong niya si Edu, parang inilihis ang sagot. Pero marami ang nakakapansin na parang hindi na sila. Sa totoo lang meron isang nagkwento sa akin... Sabi sa'kin ng isang source, basta ang alam ko dati, waley na sila."

Read also

Cristy, sinabing napupuna umano si Jinkee sa mga post nito sa gitna ng kaso kay Manny Pacquiao

"'Eto yung nachismis dati. Pero biglang nagkabalikan. 'Yung ngayon, ay hindi ko na alam kung sila pa rin. Ang gulo no?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa Kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa sa mga maiinit na kontrobersiyang natalakay din sa kanilang 'Showbiz Update' channel ay ang tungkol umano sa G-Force na wala sa concert ni Sarah Geronimo.

Kabi-kabila ang naging espekulasyon ng tao ukol dito kaya naman minabuti ni Ogie na hingin ang panig ng Creative director ng nasabing grupo na si Teacher Georcelle Dahan-Sy. Isa sa pinabulaanan nito ay ang demand letter tungkol sa copyright ng dance steps ng 'Tala.' Kapansin-pansin na naiba ang pamosong dance steps gayundin ang mga kasama ni Sarah sa pagsasayaw nito sa espesyal na araw at sold-out ang kanyang 20th anniversary concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong May 12.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel