Ogie, sinabing sina Vice at Liza ang mga naging alaga na 'di niya malilimutan

Ogie, sinabing sina Vice at Liza ang mga naging alaga na 'di niya malilimutan

- Para kay Ogie Diaz, sina Vice Ganda at Liza Soberano ang kanyang mga naging alaga na hindi niya malilimutan

- Natanong ito sa kanya ni Maricel Soriano, nang siya naman ang naging panauhin nito sa kanyang YouTube channel

- Matatandaang sina Liza at Vice ang talagang nagkaroon ng malaking pangalan sa entertainment scene sa bansa

- Gayunpaman, tila tumatak na rin sa publiko ang mga rebalasyon ni Liza kamakailan nang tuluyan na niyang lisanin ang poder ng dating manager

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinangalanan ni Ogie Diaz sina Vice Ganda at Liza Soberano bilang mga naging alaga niya na hindi niya makakalimutan.

Ogie, sinabing sina Vice at Liza ang mga naging alaga na 'di niya malilimutan
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naging katanungan sa kanya ni Maricel Soriano nang maging panauhin siya nito sa kanyang YouTube channel.

Read also

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

"'Si Liza at si Vice Ganda. Kasi sila 'yung sumikat. Hindi ko sila makalimutan kasi alam ko, naging bahagi ako ng kanilang success."

Maituturing nga naman sina Vice at Liza sa mga artistang gumawa talaga ng tatak sa showbiz sa bansa at nakilala sa kani-kanilang larangan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice sa pagiging komedyante at host at si Liza naman sa pagiging isang mahusay na aktres, mapa-teleserye man o pelikula.

Kaya naman bilang manager, ganoon na lamang ka-proud si Ogie na naging bahagi umano siya ang tagumpay ng dalawa.

Narito ang kabuuan ng naging talakayan nila ng Diamond Star:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"

Sa paglabas ni Liza ng kanyang 'This is Me' vlog, kabi-kabilang kontrobersya ang nagsulputan lalo na at nasundan ito ng mga interviews kung saan mas marami pa siyang naging pasabog patungkol sa kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Kamakailan ay gumawa muli ng ingay si Liza dahil sa muling pagbibigay niya ng komento tungkol sa mga love team sa Pilipinas sa isang talk show. Inalmahan ito ng marami lalo na at tila hindi naman nito nabanggit ang naging ka-love team niya at boyfriend na si Enrique Gil.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel