Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18
- Nagbahagi si Kris Aquino ng nakakaantig na Birthday message para sa bunsong anak na si Bimby na nagdiwang ng kanyang ika-16 na kaarawan nitong April 19, 2023
- Naibahagi ni Kris ang panahon na pinapalakas umano niya ang loob ng anak nang una nilang malaman ang tungkol sa kanyang autoimmune disease
- Aniya, kabilang sa naipagdasal niya ay maging matatag siya at patuloy na manalig na mananatili siya sa tabi ng anak hanggang sa tumuntong ito sa legal age
- Ituturing na daw nilang "unexpected gift from heaven" ang kasunod na mga taon matapos ang ika-18 na kaarawan ni Bimby
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakakaantig ang mensahe ni Kris Aquino para sa anak na si Bimby sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-16 na kaarawan. Aniya, kabilang sa naipagdasal niya ay maging matatag siya at patuloy na manalig na mananatili siya sa tabi ng anak hanggang sa tumuntong ito sa legal age.
Binalikan ni Kris ang panahong una nilang nalaman ang tungkol sa kanyang autoimmune disease at 11 taong gulang pa lamang ang kanyang bunso. Aniya, pinalalakas niya ang loob ni Bimby noon sa pamamagitan ng pagsabing sisikapin niyang kayanin na harapin ang kanyang sakit kagaya ng ginawa ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.
I even vividly remember my prayer: God i ask for nothing more BUT the gift of resilience & FAITH for me to still be alive and cognizant on April 19, 2025, when Bimb officially becomes an adult
Dagdag pa niya, ituturing na daw nilang "unexpected gift from heaven" ang kasunod na mga taon matapos ang ika-18 na kaarawan ni Bimby.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nabanggit niya rin na pinagdasal niyang maging handa si Bimby kapag siya na ang tataoyng guardian ng kanyang Kuya Josh.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Nagbahagi si Kris ng isang post sa kanyang social media pages para magpasalamat at magbahagi ng health update. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang lahat ng mga doktor na nag-alaga sa kanya sa kanyang maselan na kalagayan. Aniya ay sasailalim siya sa panibagong treatment sa susunod na linggo at dalangin niya na kayanin niya ito. Pinagpasalamat din ni Kris ang lahat ng dasal para sa kanya maging mula sa mga taong hindi niya personal na kakilala.
Kabilang si Miles Ocampo sa nagkomento sa pinakabagong post ni Kris Aquino kung saan nagbahagi siya ng health update. Sa kanyang komento ay naghayag si Miles ng kanyang pagmamahal kay Kris na kanyang tinawag na nanay. Sagot naman ni Kris, pinagdadasal niya si Miles at nagtanong pa ito kung may kailangan pa siya at magmessage lang daw ito. Matatandaang nagkaroon din ng kanyang health emergency si Miles kamakailan kaya kinailangan niyang magpaopera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh