Donnalyn, naiyak nang maalala ang laman ng wallet nang unang bumalik sa Pinas

Donnalyn, naiyak nang maalala ang laman ng wallet nang unang bumalik sa Pinas

- Hindi napigilang maluha ni Donnalyn Bartolome nang matanong sa kanya ni Karen Davila ang tungkol sa laman ng kanyang wallet nang bumalik sa Pilipinas

- 17 taong gulang pa lamang umano siya noon nang magdesisyong sumubok sa posibilidad na magkaroon ng career sa bansa

- Sa ngayon, isa na siya sa mga kilalang content creator na may 9.62 million subscribers sa kanyang YouTube channel

- Bukod dito, may ilan na rin siyang mga negosyo na naibahagi rin niya sa interview sa kanya ni Karen Davila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na naging emosyonal si Donnalyn Bartolome nang mapag-usapan nila ni Karen Davila ang pagbabalik niya sa Pilipinas.

Donnalyn, naiyak nang maalala ang laman ng wallet nang unang bumalik sa Pinas
Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa edad niyang 17, nakipagsapalaran na siya sa posibilidad na magkaroon siya ng career sa Pinas.

Read also

Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18

Sa gulat ni Karen, natanong niya kung magkano umano ang laman ng wallet noon ni Donna.

"Maiiyak ako... wala po. Wala po talaga gaano," ani Donnalyn na isa na umano ngayon sa mga kilalang YouTuber sa bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Meron pong parang manager ako noon, na-hire ako for work tapos siya po 'yung humawak ng pera, di ako nakahawak ng pera. Nalaman ko nalang later on na medyo malaki, yung pera pero hindi ko po nahawakan," pagpapatuloy pa niya.

Naikwento rin ni Donna na bagama't maayos at may kaya naman ang kanilang pamilya, ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang.

Kaya naman talagang nagsumikap siya at hindi naman niya ito binigo.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Si Donnalyn Bartolome ay isang Filipino internet personality, vlogger, singer, songwriter and rapper. Isa siya sa mga kilalang YouTuber na may halos 10 million subscribers sa kanyang channnel.

Read also

Julia Montes, agad na napuri si Alden Richards: "Totoong mabait siya"

Madalas niyang maka-collab ang kapwa niya YouTuber na sina Zeinab Harake at Jelai Andres. Kilala sila sa tawag na DoLaiNab.

Noong Pasko ng 2022, nagkaiyakan sila ni Zeinab nang buksan nito ang kanyang regalo na singsing. Labis na namangha si Zeinab sa singsing at nagbiro pa ito na engaged na umano siya kay Donnalyn lalo na at gustong-gusto niya talaga ang naturang 'Belle ring' na mula sa Disney na gawa talaga sa diamonds.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel