Kapatid ni Maggie Wilson: "I can only imagine how much my sister's heart aches"

Kapatid ni Maggie Wilson: "I can only imagine how much my sister's heart aches"

- Naglabas ng saloobin ang kapatid ni Maggie Wilson na si Beth Wilson kaugnay sa kalagayan ng kanyang kapatid

- Naibahagi niya sa kanyang Instagram stories ang screenshot ng message niya sa kanyang pamangkin na si Connor na hindi daw niya nakakausap simula nitong January

- Pinuna niya ang aniya'y pag-post ng ibang tao ng picture gayong may mga taong nasasaktan

- Aniya, nasasaktan siya sa nangyayari at alam niyang nasasaktan din ng sobra ang kanyang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Beth Wilson, kapatid ni Maggie Wilson kaugnay sa pinagdadaanan nila sa gitna ng nangyayari sa kapatid niya. Binahagi niyang hindi niya nakakausap ang kanyang pamangkin simula nitong January at alam niya kung gaano nasasaktan ang kanyang kapatid.

Kapatid ni Maggie Wilson: "I can only imagine how much my sister's heart aches"
Kapatid ni Maggie Wilson: "I can only imagine how much my sister's heart aches" (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Binanggit din nito ang pag-post ng picture ng di pinangalanang tao gayong aniya ay may mga taong nasasaktan. Napatanong pa ito kung may awa pa ba ang mga taong ito.

Read also

Maggie Wilson, nag-post ng picture kasama ang kanyang ina

When you haven’t been able to see or talk to your nephew since January and then you see other people just casually posting a photo while other people are hurting! Do some people just have no feelings at all? My heart breaks and I can only imagine how much my sisters heart aches!
Kapatid ni Maggie Wilson: "I can only imagine how much my sister's heart aches"
Kapatid ni Maggie Wilson: "I can only imagine how much my sister's heart aches" (@iambethwilson)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas ni Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonsense na nangyayari. Si Beth ang isa sa mga taong nasa bahay na sinabi ni Maggie na pinuntahan ng staff ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel