Kris Aquino, sasailalim sa bagong treatment: "Praying kayanin ko"
- Nagbahagi si Kris Aquino ng isang post sa kanyang social media pages para magpasalamat at magbahagi ng health update
- Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang lahat ng mga doktor na nag-alaga sa kanya sa kanyang maselan na kalagayan
- Aniya ay sasailalim siya sa panibagong treatment sa susunod na linggo at dalangin niya na kayanin niya ito
- Pinagpasalamat din ni Kris ang lahat ng dasal para sa kanya maging mula sa mga taong hindi niya personal na kakilala
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post si Kris Aquino ng gratitude post para magpasalamat sa lahat ng mga dasal para sa kanya at nakahanap siya ng mga magagaling na doktor. Sa kanyang post ay binahagi niyang sasailalim siya sa panibagong treatment sa susunod na linggo at dalangin niya na kayanin niya ito.
Pinasalamatan niya rin ang lahat ng doktor niya at ang mga taong nagdasal para sa kanya kahit hindi nila siya personal na kakilala.
I don’t know what i’ve done to deserve your kindness but please know YOU GIVE ME HOPE & COURAGE to KEEP THE FAITH and TRUST GOD’S Merciful LOVE. Thank you for being my RAINBOW…
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Naibahagi kamakailan ni Kris sa pamamagitan ng isang Instagram post ang update tungkol sa kanyang kalusugan. Aniya, sa kabila ng hindi inaasahan may scary red flag na lumabas sa kanyang lab result, naiyak siya ngunit aniya ay tama na iyon. Nanatili ang kanyang positibong pananaw sa kabila ng hindi inaasahang resulta dahil aniya kung sakali mang early detection umano yung red flag na iyon ay maituturing niyang pinagpapala pa rin siya. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong nagdasal para sa kanyang paggaling.
Ibinahagi ni Vice Gov. Mark Leviste ang isang video kung saan makikita ang kanyang paglapit sa sasakyan ni Kris. Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot ng kanyang autoimmune na sakit. Sa video na binahagi ni Leviste ay makikitang si Bimby ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Nang makita ni Leviste si Kris ay namutawi mula sa kanya ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful”.
Source: KAMI.com.gh