RR Enriquez, rumesbak sa aniya'y ex friend: "10 years akong nagtiis"
- Ayon kay RR Enriquez, hindi na niya natiis at umabot na sa hangganan ang kanyang pagpapasensiya
- Kaya naman, naglabas siya ng kanyang saloobin kaugnay sa umano'y ex friend na nagpaparinig sa social media
- Aniya, sampung taon din siyang nagtiis at sumabog na rin siya dahil simula pa raw ng January ay nagpaparinig na ito
- Hindi na nagbanggit ng pangalan si RR ngunit aniya ay marami siyang resibo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ani RR Enriquez, January pa lang ay nagpaparinig na ang ex-friend niya kaya naglabas na rin siya ng saloobin niya. Hindi na nagbanggit ng pangalan si RR ngunit aniya ay marami siyang resibo.
Sa kanyang Instagram story, sinabi ni RR na matagal siyang nagtiis. Hindi daw niya ugaling magpost sa social media pagdating sa awayang kaibigan ay hindi siya nagparinig. Gayunpaman, umabot na daw siya sa hangganan kaya sumabog na rin siya.
Hindi man nagbanggit ng pangalan, mayroon siyang clue sa kanyang tinutukoy na tao.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.
Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.
Bilang isa sa mga babaeng nakilalang karelasyon ng PBA player, maraming beses nang naitanong kay RR sa comments section ng kanyang mga post ang tungkol sa paghihiwalay nina Scottie Thompson at Pau Fajardo. Kahit medyo matagal nang nangyari minabuti ni RR na maghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu. Aniya, dapat ay tigilan na lamang ang pangbabatikos kina Scottie at sa misis nitong si Jinky Serrano dahil dapat ipagpasalamat na lang na nakawala si Pau sa ganoong relasyon. Ibinida din ni RR ang natural na kagandahan ni Pau na aniya'y nakapagpa-amaze talaga sa kanya nang una niyang makita ng personal.
Source: KAMI.com.gh