Coco Martin, nabigyan ng kanya-kanyang bahay at negosyo ang apat na mga kapatid

Coco Martin, nabigyan ng kanya-kanyang bahay at negosyo ang apat na mga kapatid

- Sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Coco Martin ang pagbabahagi niya ng biyaya sa mga kapatid

- Napatayuan na niya ng kanya-kanyang mga bahay ang apat na mga kapatid

- Bukod dito, binigyan din umano niya ang mga ito ng kanya-kanyang mga negosyo

- Nasa iisang compound lamang sila upang agad niyang mapuntahan anoman ang mangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ng FPJ Batang Quiapo star na si Coco Martin kung paano niya naibahagi ang kanyang umaapaw na blessings sa kanyang pamilya.

Coco Martin, nabigyan ng kanya-kanyang bahay at negosyo ang apat na mga kapatid
Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na labis na humanga si Bernadette Sembrano kay Coco dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang pamilya.

Sa panayam niya sa aktor, naikwento nitong napatayuan na niya ng bahay ang apat na mga kapatid.

"Gusto ko kung anomang meron ako hindi man pantay, at least gusto ko maayos din sila"

Read also

Alden Richards, naikwento bakit nag-leave siya noon sa Eat Bulaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya sabi ko noon, kung nakapagpatayo ako ng bahay sa sarili ko, gusto ko meron din sila, which is 'yun yung trinabaho ko talaga."

Siniguro rin Coco na nasa iisang compound sila upang madali niyang makumusta ang mga ito.

"Ang ginawa ko, tinayuan ko sila ng kanya-kanyang bahay. Pero nasa iisang compound kami. Nasa iisang village kami. Kaya ang tendency, hindi man kami nasa iisang bahay, ngayon magkakalapit pa rin kami."

Bukod sa bahay, nabigyan din niya ito ng kani-kanilang mga negosyo.

"Ginawa ko rin, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagtiwala sa'kin na mga endorsements ko, binigyan ako ng franchise. Binigay ko ngayon sa mga kapatid ko. kaya nagkaroon sila ng mga kanya-kanyang negosyo."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano:

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Wala mang pag-amin, subalit si Coco ang umano'y nakabihag sa puso ng isa ring Kapamilya actress na si Julia Montes. Makailang beses na ring napabalitang nagbuntis si Julia subalit nanatiling tahimik ang panig nila sa isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel