Alden Richards, naikwento bakit nag-leave siya noon sa Eat Bulaga

Alden Richards, naikwento bakit nag-leave siya noon sa Eat Bulaga

- Ipinaliwanag ni Alden Richards bakit umano siya nawala noon sa 'Eat Bulaga'

- Aniya, naka-leave lamang siya subalit napakarami umano ng mga nagtatanong kung kailan ang balik niya

- Isa umano sa mga dahilan ay ang pagtatayo niya ng mga karagdagang negosyo

- Kamakailan nga ay nagbalik na nga siya sa longest-running noontime show sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiabahagi ni Alden Richards ang umano'y dahilan bakit naka-leave siya noon sa Eat Bulaga.

Alden Richards, naikwento bakit nag-leave siya noon sa Eat Bulaga
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa panahong wala siya sa longest running noontime show ay napakarami ang nagtatanong kung kailan siya magbabalik.

Sa YouTube channel mismo ng Eat Bulaga, sinagot ni Alden ang ilang mga katanungan tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay at isa na nga rito ay ang pansalamantalang pagkawala niya sa nasabing programa.

Read also

Cristy ipinagtanggol si Bea sa 'ghosting' issue: "Meron po siyang karapatan na magsalita"

"Explain ko na rin ano ba talaga ang nangyari. Last year, nag-pile up ang mga projects na gagawin ko last year. Nagtayo ako ng sariling production. Sinolidify ko muna ang foundation 'nun. Ayaw ko kasi na bumalik sa Eat Bulaga tapos paisa-isa lang. Gusto ko pag bumalik ako, committed ako, kahit hindi man everyday basta at least hindi ako mawawala in a week. Pagbalik ko at least buo akong haharap sa mga dabarkads being a host of the show," paliwanag ni Alden.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang halos isang linggo na ang nakalipas nang magbalik na si Alden sa Eat Bulaga. Hindi nga nito napigilang maging emosyonal sa mainit na pagtanggap muli ng kanyang EB Dabarkads.

Kamakailan, naging usap-usapan ang inaasahang pagbabago 'di umano sa longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Read also

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 43 taon ang nakalilipas.

Maging si Ogie Diaz ay naipaliwanag ang kanya umanong nasagap sa mainit na showbiz issue na ito. Bukod sa TVJ, isa rin umano na aalisin sa programa ay si Maine Mendoza na siyang pagbabalik naman 'di umano ni Alden Richards.

Kaya naman sa pagbabalik ni Alden noong Marso 11 sa Eat Bulaga, marami ang nagsasabing maaring ito na ang hudyat ng inaasahang pagbabago.

Nakadagdag pa umano sa kontrobersiya ang pagkakaroon ng kanya-kanyang shows ng TVJ sa Net25.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel