Alden Richards, emosyonal sa pagbabalik Eat Bulaga: "Naiyak talaga ako"

Alden Richards, emosyonal sa pagbabalik Eat Bulaga: "Naiyak talaga ako"

- Emosyonal si Alden Richards sa pagbabalik niya sa Eat Bulaga

- Aminado siyang pagpasok pa lamang umano sa kanilang dressing room ay naiyak na siya habang niyayakap ang kanyang mga 'dabarkads'

- Na-miss daw talaga niya ang mga kasama lalo na ang kanyang "Kuya Jose" at "Kuya Wally"

- Kamakailan lang, naging matunog ang balitang magkakaroon umano ng rebranding ang Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong naiyak si Alden Richards nang muli siyang magbalik sa Eat Bulaga ngayong Marso 11.

Alden Richards, emosyonal sa pagbabalik Eat Bulaga: "Naiyak talaga ako"
Alden Richards kasama ang Eat Bulaga dabarkads (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matagal-tagal din umanong nawala si Alden sa nasabing noontime show kung saan siya nakilala kasama ang ang nakaparehang si Maine Mendoza sa kanilang 'Kalye-serye.'

"Naiiyak pa ako e, kanina medyo naiyak talaga ako 'nung pagpasok ko sa dressing room tapos niyakap ko sila. Medyo matagal din akong nawala talaga. Naramdaman ko ang tagal ng panahon. I'm back Dabarkads!" ang bahagi ng nasabi ni Alden na naibahagi rin ng Daily tribune.

Read also

Cristy, nakumpirmang hindi raw totoong si Willie ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga

Masaya rin umano siya lalo na at matagal din niyang hindi nakakulitan ang kanyang Eat Bulaga family lalo na raw ang kanyang "Kuya Wally" at "Kuya Jose"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, narito ang video ng opening number ng Eat Bulaga kung saan gumulantang sa marami ang pagpasok ni Alden sa opening number pa lang ng programa.

Kamakailan, naging usap-usapan ang inaasahang pagbabago 'di umano sa longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 43 taon ang nakalilipas.

Maging si Ogie Diaz ay naipaliwanag ang kanya umanong nasagap sa mainit na showbiz issue na ito. Bukod sa TVJ, isa rin umano na aalisin sa programa ay si Maine Mendoza na siyang pagbabalik naman 'di umano ni Alden Richards.

Read also

Cristy Fermin sa lagay ni Maegan Aguilar: "Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang"

Kaya naman sa pagbabalik ni Alden ngayong Marso 11 sa Eat Bulaga, marami ang nagsasabing maaring ito na ang hudyat ng inaasahang pagbabago.

Nakadagdag pa umano sa kontrobersiya ang pagkakaroon ng kanya-kanyang shows ng TVJ sa Net25.

Gayunpaman, nabanggit ni Cristy Fermin na wala umanong katotohanan umano na si Willie Revillame ang ipapalit na main host ng Eat Bulaga kapalit nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel