Cristy Fermin sa lagay ni Maegan Aguilar: "Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang"

Cristy Fermin sa lagay ni Maegan Aguilar: "Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang"

- Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin sa umano'y lagay ngayon ni Maegan Aguilar

- Aniya, tila kailangan nitong tumingin sa salamin dahil sa mga nabitiwang salita nito

- Bukod sa mga patutsada nito sa kanyang mga magulang, maging si Senator Raffy Tulfo ay kanyang nasisi sa kanyang kalagayan ngayon

- Kamakailan, muling gumawa ng video ni Maegan kung saan tahasang nasabi nito na ayaw na niya ng pera ninoman at maging ang pagpaparehab sana sa kanya ni Senator Tulfo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Cristy Fermin sa umano'y hindi kagandahang lagay ngayon ng dating singer na si Maegan Aguilar.

Cristy Fermin sa lagay ngayon ni Maegan Aguilar: "Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang"
Maegan Aguilar
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa video ni Maegan kung saan nagtangka umano ito na maghanap ng mataas na gusali kung saan sana siya pwede raw umanong tumalon.

Read also

Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

Buhat nang lumabas ang resulta ng hair follicle drug test kung saan siya nagpositibo, Wala na muling nakatulong sa kanilang dalawa ng kanyang partner na si Oliver.

Hindi sila natulungan na muli ni Senator Tulfo tulad ng kanyang nabanggit na sakaling mag-negatibo siya sa test, bubuhos ang tulong niya kina Maegan upang makapagsimula muli ito sa buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sinabihan din siya ni Tulfo na may sarili siyang isip para sana tumanggi sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

"Ang bawat tao Maegan, binibigyan ng choice. Binibigyan ng utak at desisyon para makapamili tayo kung paano natin ididisenyo ang ating buhay,
"Hindi si Kaka (Ka Freddie), hindi si Josephine hindi ang kahit sino ang nagturo sa'yo na magpakalulong ka sa droga. Desisyon mo 'yan sinira mo ang buhay mo. Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang."

Read also

Ivana Alawi, naging street vendor for a day; namahagi pa rin ng biyaya

May bahagi rin sa naturang video kung saan tinanong niya ang mga nanonood kung mukha nga ba siyang adik na droga.

"Oo, adik na adik ka sa itsura mo. Nakakahiya ka. Hindi ka yata bumili ng salamin para makita mo ang itsura mo na lahat ng palatandaan ng taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, kinopo mo," ani pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Isa ang Showbiz Now Na! YouTube channel sa mga pinakaabangan pagdating sa paghahatid ng mga kaganapan sa showbiz scene ng Pilipinas.

Kasama ng batikang showbiz host at writer na si Cristy Fermin ang kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa paghahatid ng maiinit ng maiinit na showbiz chika sa kanilang nasa mahigit 300,000 YouTube subscribers.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! muli nilang napag-usapan ang kontrobersiyang kinakaharap ni Liza Soberano. Nagbitaw din ng mensahe si Cristy sa ama ni Liza kaugnay sa nabanggit ng aktres na pagkawala umano ng kanyang kabataan dala ng maagang pagpasok sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel