Ivana Alawi, naging street vendor for a day; namahagi pa rin ng biyaya

Ivana Alawi, naging street vendor for a day; namahagi pa rin ng biyaya

- Game na game si Ivana Alawi na maging isang street vendor for a day

- Naranasan niyang maglako ng lumpiang togue, kwek-kwek at iba pa

- Bukod dito, namahagi pa rin siya ng biyaya sa mga bumili na makasasagot ng kanyang mga katanungan

- Gayundin sa kanyang mga subscribers na bumili ng kanyang mga paninda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang kumasa si Ivana Alawi na maging isang street vendor for a day sa kanyang pinakabagong vlog.

Ivana Alawi, naging street vendor for a day; namahagi pa rin ng biyaya
Ivana Alawi
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagtitinda ng kwek-kwek lumpiang togue at iba pa, namahagi pa rin ng biyaya si Ivana sa mga bumibili sa kanya.

Naghanda rin siya ng mga katanungan at kapag nasagot ito ng customer, instant Php 1000 ang kanyang ibinigay.

Kung hindi naman nasagot subalit naka-subscribe sa kanyang channel, binibigyan pa rin niya ito ng Php 1000.

Read also

Cristy Fermin sa lagay ni Maegan Aguilar: "Walang dapat sisihin ngayon kundi ikaw lang"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikitang nagluluto at nagtitinda si Ivana na masayang nakikipagkulitan sa mga bumibili at iba na nais lamang siyang makita.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel niya na Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan.

Read also

Cristy sa vlog ni Alex tungkol sa pagsurpresa sa fans: "Parang nababalewala e no?"

Samantala, bago matapos ang 2022, nagkaroon ng pelikula si Ivana kasama ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Tumabo sa takilya ang kanilang Metro Manila Film Festival entry na 'Partners in Crime' na isa umano sa mga pinilahan at tinangkilik ng pamilyang Pilipino. Matatandaang bumida rin si Ivana sa teleseryeng 'A Family Affair' noong nakaraang taon kung saan ilan sa mga nakasama niya ay sina Gerald Anderson at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel