Coco Martin, ipinasilip ang aktwal na shooting nila sa mataong lugar ng Quiapo

Coco Martin, ipinasilip ang aktwal na shooting nila sa mataong lugar ng Quiapo

- Ipinasilip ni Coco Martin kung paano nila isinasagawa ang shooting sa serye nilang Batang Quiapo

- Makikita ang disiplina ni Coco sa kanyang trabaho dahil sa maagang pagdating nito sa kanilang set

- Katuwang naman niya si Senator Lito Lapid sa mga fights scenes gayundin ang anak nitong si Mark Lapid

- Mapapanood na ang 'Batang Quiapo' sa Lunes, Pebrero 13 na siyang ipapalit sa time slot ng Darna

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wala pa man ang araw, nasa set na ng 'Batang Quiapo' si Coco Martin na siyang bida sa bagong serye.

Coco Martin, ipinasilip ang aktwal na shooting nila sa mataong lugar ng Quiapo
Coco Martin (TV Patrol)
Source: Facebook

Kasama ang kanyang mga co-stars, mabusisi muna nilang pinag-usapan ang iikutan ng kanilang shoot sa araw na iyon.

Katuang ni Coco sa mga fight scenes ang kanyang co-star na si Senator Lito Lapit gayundin ang anak nitong si Mark.

Read also

Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend

Mabusisi rin si Coco sa ibang detalye ng serye tulad na lamang ng damit na suot ng ibang talents sa serye.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakadagdag sa hamon ng kanilang taping ang dami ng tao sa Quiapo. Kaya naman mabusising tinitingnan ni Coco ang bawat kuha ng eksena para sa kanilan serye.

Paglilinaw ni Coco at kanilang produksyon, hindi nito susundan ang kwento ng 'Batang Quiapo' ni FPJ, Fernando Poe Jr. subalit ito ang naging inspirasyon umano nila para sa TV series.

Matatandaang dumalo pa rin si Coco Translacion 2022 upang makakuha ng ilang eksena para sa bago niyang serye.

Kasabay nito ang pagiging deboto rin niya ng Poong Nazareno noon pa man kaya naman naroon din siya sa nasabing kaganapan.

Mapapanood ang Batang Quiapo sa Pebrero 13, na siyang papalit sa timeslot ng Darna.

Read also

Pokwang, nagpost tungkol sa aniya'y magkaibang mukha ng narcissist

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Wala mang pag-amin, subalit si Coco ang umano'y nakabihag sa puso ng isa ring Kapamilya actress na si Julia Montes. Makailang beses na ring napabalitang nagbuntis si Julia subalit nanatiling tahimik ang panig nila sa isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel