Maegan Aguilar, may bagong patutsada: "Sa'yo na ang pera mo, I don't need your help"

Maegan Aguilar, may bagong patutsada: "Sa'yo na ang pera mo, I don't need your help"

- Mayroon na naman umanong bagong patutsada si Maegan Aguilar sa bagong video na kanyang inilabas sa kanyang Instagram

- Aniya, mayroon siyang depresyon kaya't hindi rehab ang prayoridad sana niya ngayon

- Mayroon din umanong mga netizens na naniniwala sa kanya na siyang nagpupuno ng bagay na hindi umano maibigay ng hiningan niya ng tulong na si Senator Raffy Tulfo

- Taliwas sa una nitong nasabing papayag siyang magpa-rehab, hindi na raw niya kailangan ng pera at tulong upang siya ay makapasok sa rehabilitation center

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pa rin umano tumigil si Maegan Aguilar sa pagbubulalas niya ng saloobin matapos na lumabas na positibo ang kanyang naging hair follicle drug test na isinagawa sa tulong ng programang 'Raffy Tulfo in Action'.

Maegan Aguilar, may bagong patutsada: "Sa'yo na ang pera mo, I don't need your help"
Maegan Aguilar at Senator Raffy Tulfo (@maeganaguilarchannel/ Raffy Tulfo in Action)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi ito ang unang beses na naglabas ng saloobin si Maegan sa social media.

Read also

Xian Gaza, dinipensahan ang viral nanay ng Eat Bulaga: "Imulat natin sila"

Sa kanyang Instagram video, sinabi niyang mayroon pa rin umanong mga taong naniniwala sa kanya na siyang nagbibigay ng bagay na hindi maibigay sa kanya ni Senator Raffy Tulfo.

Matatandaang siya ay dumulog na sa programa ni Tulfo gayung walang-wala na sila ng kanyang partner na si Oliver at sa lansangan na na lamang sila natutulog.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"My support from netizens used their brain and not their mouth that don't follow a leader that misleading everyone."
"'Yan po ang suporta at pagmamahal, pagkalinga at pag-unawa na nare-receive ko ngayon from them."
"And the people na hindi ito naiisip na ito ay drug, ibinuhos ang hindi kayang ibigay ni Tulfo"

Taliwas sa kanyang naging pahayag na pagpayag 'di umano na magparehab upang tuluyang makamit ang mga tulong ibibigay sana ng senador kung siya'y nagnegatibo sa drug test, matapang na ito ngayong tinatanggihan ni Maegan.

Read also

Freddie Aguilar sa kantang 'Ama' ni Maegan Agular: "Ang ganda ng naisulat mo anak"

"Anyway, sa'yo na ang pera mo. I don't need your help. I don't need your help. I don't need rehab. And I don't care kung ayaw niyong maniwala. And you want to continue bashing, Go ahead... go ahead," ang naging pahayag ni Maegan sa kanyang Instagram post.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na ibinahagi rin ng Bandera:

Isang buwan na umano ang nakararaan nang dumulog si Maegan Aguilar sa programa ni Raffy Tulfo.

Sinubukan din ng programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman sa panayam ni Aster Amoyo kay Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel