Freddie Aguilar sa kantang 'Ama' ni Maegan Agular: "Ang ganda ng naisulat mo anak"

Freddie Aguilar sa kantang 'Ama' ni Maegan Agular: "Ang ganda ng naisulat mo anak"

- Naibahagi ni Maegan Aguilar na sa unang pagkakataon ay naiparinig niya sa ama ang kantang kanyang sinulat

- Pinadala niya daw ang lyrics ng kantang kanyang sinulat na pinamagatang 'Ama"

- Nagbigay naman ng kanyang opinyon at payo ang kanyang ama kaugnay sa kanyang kanta

- Aniya, sinabi daw ng kanyang tatay na huwag siyang papayag sa 'pwede na'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Maegan Aguilar na sa unang pagkakataon ay nagkalakas daw siya ng loob na iparinig sa kanyang tatay ang kantang kanyang ginawa. Nagbigay naman ng kanyang opinyon at payo ang kanyang ama kaugnay sa kanyang kanta.

Freddie Aguilar sa kantang 'Ama' ni Maegan Agular: "Ang ganda ng naisulat mo anak"
Freddie Aguilar sa kantang 'Ama' ni Maegan Agular: "Ang ganda ng naisulat mo anak"
Source: Instagram

Naiparinig niya sa ama ang kanyang komposisyon.

Praise the Lord! Hallelujah!!! How I deeply cherish moments like this, bonding and talking with my tatay. For the first time today, I had the courage and the confidence to send him the lyrics of my song "Ama" & even let him and my brother Jonan hear the very first rough demo I made.

Read also

Sharon Cuneta, ibinida ang closeness ng dalawang anak: "Best friends forever"

Nagbahagi din ng kanyang opinyon si Ka Freddie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tatay's only comment, "Ang ganda ng naisulat mo anak, just make sure that the authenticity of your song's orchestration is rightly and properly delivered dahil comeback mo ito anak. Wag kang papayag sa "pwede na".

Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Read also

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

Kamakailan inihayag ni Maegan ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi.

Sa post ni Maegan ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya. Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita. Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot. Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel