Ina ni Maegan Aguilar, pinayuhan ang anak: "Do the rehab Megs"

Ina ni Maegan Aguilar, pinayuhan ang anak: "Do the rehab Megs"

- Sa post ni Maegan Aguilar ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya

- Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita

- Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot

- Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinayuhan si Maegan Aguilar ng kanyang biological mother na si Josephine Queipo sa gitna ng pinagdadaanan nito sa kasalukuyan. Sa post ni Maegan, sinabi ni Maegan na ang kanyang kuya at biological mother ang totoong sangkot sa bawal na gamot.

Ina ni Maegan Agular, nag-react sa kanyang post: "Do the rehab Megs"
Ina ni Maegan Agular, nag-react sa kanyang post: "Do the rehab Megs" (@facebook.com/maeganverona.aguilar.9)
Source: Facebook

Sa komento ng kanyang ina, isang netizen ang nagtanong kung siya daw ba ang ina ni Maegan. Hindi pa man ito nakakasagot ay kinumpirma ni Maegan na iyon nga ang kanyang biological mother.

Read also

Freddie Aguilar, ibinahagi ang kanyang pagkanta ng awitin niyang "Anak"

Ina ni Maegan Agular, pinayuhan ang anak: "Do the rehab Megs"
Ina ni Maegan Agular, pinayuhan ang anak: "Do the rehab Megs" (@facebook.com/maeganverona.aguilar.9)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko. Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Read also

Parokya ni Edgar, nabisita ang kabandang si Gab: "Sobrang aliwalas niya tingnan"

Kamakailan ay isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Ka Freddie sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama. Nagbalik-tanaw ang asawa ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung kailan niya sinagot si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin nito. Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel