Misis ni Freddie Aguilar, nagbigay ng mensahe sa kanilang 9th anniversary

Misis ni Freddie Aguilar, nagbigay ng mensahe sa kanilang 9th anniversary

- Isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Freddie Aguilar sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama

- Nagbalik-tanaw si Jovie sa araw kung kailan sinagot niya si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin ng mang-aawit

- Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya

- Hindi man umano perpekto ang buhay nila bilang mag asawa, para sa kanya ay tama umano ang naging desisyon niyang piliin ang kanyang mister

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanilang ika-siyam na taon bilang magkarelasyon, binalikan ng misis ni Freddie Aguilar na si Jovi Gatdula Albao ang desisyon niyang sagutin si Ka Freddie. Isang nakakaaliw at sweet na anniversary message ang binahagi niya para sa kanyang kabiyak.

Read also

Asawa ni Freddie Aguilar, nagbigay ng payo sa pag pili ng makakasama sa buhay

Misis ni Freddie Aguilar, nagbigay ng mensahe sa kanilang 9th anniversary
Jovi Gatdula Albao at Freddie Aguilar
Source: Facebook

Aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin ng mang-aawit. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ay naging mabait umano sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.

Hindi man umano perpekto ang buhay nila bilang mag asawa, para sa kanya ay tama umano ang naging desisyon niyang piliin ang kanyang mister.

Narito ang kabuoan ng kanyang mensahe:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

9 years ago, sa napakahabang pila ng mga manliligaw ko napakaswerte mo at ikaw ang pinili ko. HAHAHA charot! Hindi naging mabait ang mundo sa akin nung ako ang pinili mong mahalin, pero naging mabait ang Diyos sa ating dalawa lalong-lalo na sa akin. 9 years na ang nakakaraan, at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na bumalik sa umpisa, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Hindi man ako katanggap tanggap sa mata ng ibang tao para sa isang Freddie Aguilar, naging sapat naman ako para sayo at katanggap tanggap sa mata ng Diyos.

Read also

Valentine Rosales sa patutsada ni Awra Briguela: "Pinatamaan yung sarili niya"

Hindi perpekto ang buhay nating mag asawa pero tama ang naging desisyon kong piliin ka. Maraming babaeng mas higit sa akin na nakapaligid sayo nung dumating ako sa buhay mo pero TAMA DIN na ako ang pinili mo. HAHAHA. Mag aaway lang tayo (at magbabatuhan ng plato! Charot! ) pero hindi tayo maghihiwalay (depende rin sa tayo ng buwan minsan isip bata ka eh. joke lang!) Mahal na mahal kita BHABE with H! Hahahaha. Pag gising mo sa umaga, mag luto ka ng agahan, kundi Johnny Depp ka sa akin bukas. HAHAHA chariz lang. I love you! Wag mo na ako regaluhan ngayon, sa wedding anniversary na lang. Lagay mo sa calendar sa November pa naman, mag ipon kana. WAHAHAHA

Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila.

Read also

Valentine Rosales, binahagi ang mensahe ng kaibigang kanyang pinagtanggol

Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko.

Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel