Asawa ni Freddie Aguilar, nagbigay ng payo sa pag pili ng makakasama sa buhay

Asawa ni Freddie Aguilar, nagbigay ng payo sa pag pili ng makakasama sa buhay

- Sa kanyang Faceboo post, ibinahagi ng maybahay ni Freddie Aguilar ang kanyang saloobin kaugnay sa mga natatanggap na insulto mula sa bashers

- Kaugnay ito sa kanyang pagpili kay Ka Freddie bilang kanyang asawa na malayo ang agwat sa kanyang edad

- Nagbigay din siya ng payo pagdating sa pag pili ng tamang ta na makakasama sa buhay

- Aniya, kahit gaano karami ang pera ng tao kundi mabuting tao ay hindi pa rin magiging masaya ang pagsasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang post sa Facebook, binahagi ni Jovi Gatdula Albao ang kanyang saloobin kaugnay sa mga natatanggap na insulto mula sa bashers. Nagbigay din siya ng payo pagdating sa pag pili ng tamang ta na makakasama sa buhay.

Asawa ni Freddie Aguilar, nagbigay ng payo sa pag pili ng makakasama sa buhay
Jovi Gatdula Albao at Freddie Aguilar
Source: Facebook

Kalakip ng kanyang mensahe ay ang post ng isang babae na minamaltrato ng kanyang karelasyon. Dito niya nilabas ang kanyang saloobin kaugnay sa mga sinasabi ng kanyang bashers.

Read also

Andrea Brillantes, hindi sadya ang pagbe-baby talk: "Part siya ng childhood ko na nawala"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, kahit gaano karami ang pera ng tao kundi mabuting tao ay hindi pa rin magiging masaya ang pagsasama.

ad. Ito yung sinasabi ko sa mga basher ko eh. Sabihin na nila sa akin lahat ng masasamang salita na pinili ko si Freddie dahil sa kasikatan at pera nya pero wala pa rin tatalo sa “NAG ASAWA KANA NG SIKAT AT MAY PERA, MABUTING TAO PA.” Bata o matanda man ang piliin nyo, may pera o wala kung walang kwenta yang taong pinili nyo KALBARYO lang aabutin nyo dyan. Sa pag pili ng makakasama sa buhay, isa-alang-alang nyo lahat. Hindi rin pwedeng may pera lang. Kahit gaano karami ang pera nyan kundi mabuting tao yan, hindi ka pa rin magiging masaya.
Tinatawanan nyo ako sa pagpili ng lalaking MATANDA NA MAY PERA AT SIKAT pero nag se-settle kayo sa lalaking pagpapalit kayo sa naka rank game sa ML. Lol.

Read also

Kyle Echarri, proud umano kina Francine Diaz at Seth Fedelin

Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buha ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila.

Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko.

Isinapubliko na mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa niya noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel