Vice Ganda at DonEkla, nagkasama sa isang vlog sa unang pagkakataon

Vice Ganda at DonEkla, nagkasama sa isang vlog sa unang pagkakataon

- Nakasama nina Donita Nose at Super Tekla si Vice Ganda sa kanilang vlog sa unang pagkakataon

- Ito ay matapos silang nagkita sa isang concert kamakailan kung saan kabilang sila sa mga naimbitahang guest

- Noon pa man ay marami nang humihiling kina Donita at Tekla na makipag-collab sila kay Vice Ganda

- Kinaaliwan ng mga viewers ang kanilang kulitan lalo at unang beses pa lamang silang nakitang magkakasama sa isang vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Vice Ganda, Donita Nose at Super Tekla sa video na binahagi sa DonEkla in Tandem YouTube channel. Nagkita sila sa isang concert sa Araneta kung saan kabilang sila sa mga naimbitahang performers.

Vice Ganda at DonEkla, nagkasama sa isang vlog sa unang pagkakataon
Vice Ganda at DonEkla, nagkasama sa isang vlog sa unang pagkakataon (Screenshot from DonEkla in Tandem)
Source: Youtube

Hindi masyadong nagtagal ang kanilang kulitang tatlo ngunit marami ang natuwa na makita silang magkakasama lalo at noon pa ay marami ang humihiling na mag-collab silang tatlo.

Read also

Lie Reposposa, kinaaliwan sa mga videos niya kasama ang boyfriend

Matatandaang katapat noon ng show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice ang show nina Tekla na The Boobay ang Tekla Show.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers sa vlog ng DonEkla in Tandem:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

First time ko makita na magkaron ng personal encounter si Tekla at Vice, kc si Donita alam naman ng lahat na magkaibigan sila ni Vice, ang saya panuorin
Ay graveh! Nakakaaliw kayo at bongga, first-time ever collab ng Donekla with Vice Ganda! Yes, good vibes lang! Sana mas mahabang collab pa! God bless you all!
Infair lumelevel sa wit and humour ang donekla. more power sa lahat! sana mahila kayo ni meme ult sa ilang mga projects nya. para more exposure sa mga kapamilya nmn sa kabila bakod. dagdagan ang mga kapuso ng mga kapamilya fans

Read also

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel