Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

- Kinaaliwan si Dahlia Heussaff sa video na binahagi ng kanyang amang si Erwan Heussaff sa kanyang Instagram story

- Makikita ang anak nila ni Anne Curtis na nakasuot ng robe habang inaabot ang ilang switch

- Sa isang bahagi ng video ay maririnig si Dahlia na nagsabing “I’m so tall naman”

- Matatandaang nag-viral din ang video niya kung saan sinabi niya ang mga salitang "Edi Wow!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Dahlia Heussaff sa kanyang pagbigkas ng mga salitang “I’m so tall naman." Ito ay binahagi ng kanyang amang si Erwan Heussaff sa kanyang Instagram story.

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video
Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video (@erwan)
Source: Instagram

Makikita ang anak nila ni Anne Curtis na nakasuot ng robe habang inaabot ang ilang switch. Sa isang bahagi ng video ay maririnig si Dahlia na nagsabing “I’m so tall naman." Natawa na lamang si Erwan sa anak na kinaaliwan ng marami dahil sa kanyang kabibuhan.

Read also

Freddie Aguilar, ibinahagi ang kanyang pagkanta ng awitin niyang "Anak"

Nasa Tokyo, Japan din ang mag-ama kasama si Anne na sumali sa Tokyo Marathon. Sa isang panayam ay hindi napigilan ni Anne ang emosyon matapos niyang mapabahagi sa mga nakatapos ng naturang marathon. Pinasalamatan niya ang lahat ng nagbigay ng donations na para sa mga Filipino youth.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Ina ni Maegan Aguilar, pinayuhan ang anak: "Do the rehab Megs"

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel