Cristy, todo puri si Coco Martin; naikumpara umano ng publiko kay Willie Revillame

Cristy, todo puri si Coco Martin; naikumpara umano ng publiko kay Willie Revillame

- Bumilib si Cristy Fermin sa aktor na si Coco Martin na bumida muli sa pinakabago niyang teleserye

- Lalo na nang naikwento ng kapwa niyang aktor sa serye na si Pen Medina ang naitulong ni Coco sa kanya

- Ayon kay Cristy ang pagsisiwalat na ito ni Pen sa kabutihan ni Coco ay kasabay naman ng kasagsagan ng umano'y panunumbat ni Willie Revillame sa kanyang mga natulungan

- Dahil dito, kahanga-hanga raw si Coco na ang nagsasabi ng kabutihan ay ang mga taong kanyang natulungan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ni Cristy Fermin ang aktor na si Coco Martin dahil sa bago nitong teleserye na 'FPJ: Batang Quiapo.'

Nalaman ng KAMI na humanga si Cristy kay Coco gayung sa tatlong gabing pamamayagpag sa telebisyon ng bago nitong serye ay nangunguna ito at talaga namang pinakaabangan ang bawat eksena.

Read also

Janice Jurado, nabanggit ang tungkol sa aniya'y atat na maalis siya sa Batang Quiapo

Cristy, todo puri si Coco Martin; naikumpara umano ng publiko kay Willie Revillame
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Dahil dito, malaki umano ang posibilidad na magtagal din ito ng pitong taon o higit pa tulad ng FPJ:Ang Probisyano.

Subalit ang mas hinangaan ni Cristy kay Coco ay ang pagiging matulungin umano nito sa kahit na sinong taong nangangailangan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na rito ang kapwa niya aktor sa Batang Quiapo na si Pen Medina. Matatandaang sa media con ng naturang serye, nasabi ni Pen na ang may pinakamalaking naitulong sa pagpapaopera niya ng gulugod o spine noong nakaraang taon ay si Coco.

At nang bumuti na nga ang kanyang lagay, si Coco rin ang nagbigay sa kanya ng oportunidad na makabalik sa pagtatrabaho upang hindi raw ito mainip lamang sa kanilang tahanan.

Umani raw talaga ng papuri si Coco sa publiko dahil dito lalo na at sa labis-labis na pasasalamat sa kanya ni Pen.

Read also

Karen Davila, bumilib sa pagiging hands-on ni Coco Martin sa shooting ng serye

Subalit nang ginanap ang naturang media con, kasagsagan din umano ng isyu ng umano'y panunumbat ni Willie Revillame sa kanyang mga natulungan.

"Ang pagtulong po ni Coco Martin kay Tito Pen (Medina), pinuri po ng ating mga kababayan. Dahil 'yan po ay sinabi ni Tito Pen Medina sa media Con, sa press con ng batang Quiapo na kasagsagan naman ng issue ng panunumbat ni Willie Revillame sa mga taong natulungan niya," ani Cristy.

Ayon pa kay Cristy, kahanga-hanga umano si Coco na ang mga taong natulungan niya ang siyang nagsasabi ng nagawa ni Coco para sa kanila.

Taliwas umano ito sa nagawa ni Willie na tila naisumbat umano ang kanyang mga naitulong sa mga taong lumapit sa kanya o nabigyan ng tulong.

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Read also

Cristy, sinabing pinagli-leave na ang umano'y nagsulsol at nagsumbong kay Willie Revillame

Wala mang pag-amin, subalit si Coco ang umano'y nakabihag sa puso ng isa ring Kapamilya actress na si Julia Montes. Makailang beses na ring napabalitang nagbuntis si Julia subalit nanatiling tahimik ang panig nila sa isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel