Lovely Abella, pinakilala sa publiko ang anak na si Liam Emmanuel

Lovely Abella, pinakilala sa publiko ang anak na si Liam Emmanuel

- Ipinakilala ni Lovely Abella ang anak nila ni Benj Manalo na pinangalanan nilang si Liam Emmanuel

- Ibinahagi ni Lovely ang picture ni Liam kalakip ng kanyang mensahe kaugnay sa panganganak niya

- Aniya, walang kapantay ang kaligayahang binigay ng anak nila sa kanilang mag-asawa

- Sa kabila ng kanyang hirap na pinagdadaanan ay gugustuhin daw ni Lovely na maulit ang lahat kung mabibiyayaan sila ulit ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Lovely Abella ang picture ng anak nila ni Benj Manalo na si Liam Emmanuel. Sa kanyang post ay binahagi ni Lovely ang kanyang mensahe para sa anak.

Lovely Abella, pinakilala sa publiko ang anak na si Liam Emmanuel
Lovely Abella, pinakilala sa publiko ang anak na si Liam Emmanuel (@lovelyabella_)
Source: Instagram

Ani Lovely, walang kapantay ang kaligayahang dinulot ni Liam sa kanilang mag-asawa.

Muling nabalik ang sayang hindi ko makalimutan 16 years ago sa panganay ko, tumigil ang mundo naming mag asawa Benj Manalo nung nagbunga ang pagmamahalan namin. Walang kapantay ang kaligayahang binigay mo sa amin Anak, salamat dahil ang dami mong tinuturo sa amin, na nakalimutan na namin o hindi namin alam.

Read also

Pinay, wagi sa Emirates draw; tatanggap ng P380,000 kada buwan sa loob ng 25 taon

Maituturing niya raw na isa sa pinakamasaya at pinakamagandang nangyari sa buhay nila ang pagdating ni Liam sa kanilang buhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang sayang binigay mo sa amin ang lalong nagpapakontento sa simple nating buhay. Iba iba ang hinanahanap nating Saya pero ang masasabi ko lang heto ang isa sa pinakamasaya at pinakamagandang nangyari sa buhay namin.

Sa kabila ng kanyang hirap na pinagdadaanan ay gugustuhin daw ni Lovely na maulit ang lahat kung mabibiyayaan sila ulit ng anak.

at kung tatanungin niyo ako kung gusto ko pa ba ulitin na magkaanak sa kabila ng lahat ng pinagdaanan kung hirap ang sasagot ko, gustong gusto, kung pagpapalain ulit kami ni Lord ❤️

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.

Read also

Vice Ganda at Anne Curtis, kinaaliwan sa kanilang bardagulan sa X

Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila.

Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate