Vice Ganda at Anne Curtis, kinaaliwan sa kanilang bardagulan sa X

Vice Ganda at Anne Curtis, kinaaliwan sa kanilang bardagulan sa X

- Kinaaliwan ang sagutan at biruan nina Vice Ganda at Anne Curtis sa X bago magsimula ang live episode ng "It's Showtime"

- Magsimula ito nang sabihin ni Anne na babalik na siya matapos ang kanyang bakasyon

- Sinagot ito ni Vice Ganda na tila tinamad siyang pumasok dahil may makikita daw siyang chaka

- Sagot naman ni Anne, bombastic side eye ang kanyang pasalubong kay Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang naging sagutan nina Vice Ganda at Anne Curtis sa X bago magsimula ang live episode ng It's Showtime. Ito ay matapos sagutin ni Vice si Anne nang ipaalam niyang papasok siya sa It's Showtime matapos ang kanyang bakasyon.

Vice Ganda at Anne Curtis, kinaaliwan sa kanilang bardagulan sa X
Vice Ganda at Anne Curtis, kinaaliwan sa kanilang bardagulan sa X
Source: Instagram

Aniya, tila tinamad siyang pumasok dahil may makikita daw siyang chaka.

Read also

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

Parang bigla akong tinamad pumasok!!! May makikita na naman akong chaka! Haaay!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagot naman ni Anne, bombastic side eye ang kanyang pasalubong kay Vice Ganda.

Bigyan kitang bombastic side eye later! Pasalubong ko!

Ani Vice, hindi daw siya mag-aayos dahil walang pressure at si Anne lang naman ang kasama niya.

Ok bye! Maaga ko mamaya. Di nako magaayos. Ikaw LANG naman kasama ko! Walang pressure! Yabyu!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Miles Ocampo, naikwento ang pagiging cancer-free: "'Yung meds ko, habang buhay na siya"

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel