Lovely Abella, dalawang linggo na naghintay na marinig ang heart beat ng anak
- Naibahagi ni Lovely Abella ang aniya'y dalawang linggo nilang paghihintay para marinig ang heart beat ng kanyang pinagbubuntis
- Aminado siyang marami na siyang naiisip habang naghihintay dahil maaaring maging blighted ovum ang isang pagbubuntis kung walang heart beat ang bata
- Pinagpasalamat ni Lovely na marami ang nagdasal para sa kanila at sa pagdarasal din daw sila kumapit
- Naipakita niya din ang video kung saan maririnig ang heartbeat ng kanilang baby ni Benj Manalo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Lovely Abella na kung ano-ano na umano ang naisip niya habang naghihintay para marinig nila ang heart beat ng kanyang anak. Pinagpasalamat ni Lovely na marami ang nagdasal para sa kanila at sa pagdarasal din daw sila kumapit.

Source: Instagram
Naibahagi niyang nagka-COVID pa umano siya nang nabuntis.
Lord napakabuti mo salamat po, 2 weeks kaming nag antay na kahit sumilip lang siya sa amin, dahil pwede pala na maging Blighted Ovum (bugok na pagbubuntis) grabe sa halos 1 week na natira sa pag aantay namin, lahat ng pwedeng isipin maiisip ko na ata, pero yung pagkapit namin kay Lord ang hindi mawala, kung ano man ang plano niya sa buhay namin dahil yun ang tinadhana niya sa amin, at kahit masaktan pa kami tatanggapin namin lalo na nung oras din na nabuntis ako heto yung nagkacovid ako, kaya dami ko naiisip.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.
Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila.
Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh