Gena Mago, nagbahagi ng bagong video: "Siguro ito na yung bagong simula"

Gena Mago, nagbahagi ng bagong video: "Siguro ito na yung bagong simula"

- Nagbahagi si Gena Mago ng panibagong video kung saan makikita ang kanyang pag-iyak

- Ito ay sa gitna ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Xander Arizala matapos itong ibahagi ni Xander sa social media

- Kalakip ng naturang video ay ang kanyang paglakad palayo at mag-isa lang kalakip ang caption na nagpapahayag ng kanyang pagharap sa bagong simula

- Matatandaang nabiyayaan sina Gena at Xander ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang si Xeres

Nagbahagi si Gena Mago ng isang emosyonal na video. Sa naturang video ay makikita siyang umiiyak at sa huling bahagi ay naglalakad siyang mag-isa.

Gena Mago, nagbahagi ng bagong video: "Siguro ito na yung bagong simula"
Gena Mago, nagbahagi ng bagong video: "Siguro ito na yung bagong simula"
Source: Facebook

Kalakip ng kanyang post ay ang caption na nagpapahayag ng pagharap sa bagong simula sa kanyang buhay.

Ang paglabas ng nasabing video ay sumunod sa mga balitang hiwalay na sila ni Xander, na ipinost ng huli sa kanyang mga social media account ang tungkol dito.

Read also

Alex Gonzaga, sumabak sa Asoka Makeup Trend na may twist ng katatawanan

Sa naturang video, kitang-kita ang emosyon ni Gena. Makikita sa video na siya'y naglalakad palayo, isang imahe na nagsasalaysay ng kanyang damdamin sa gitna ng pagsubok na kinakaharap niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kanyang pagpapahayag ng pag-asa sa bagong simula ay nagbibigay inspirasyon sa kanyang mga tagasubaybay na sumuporta at magpatuloy sa kanilang paglalakbay sa buhay.

Si Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Xander Arizala, nilabas ang mga video daw ng kanyang kaibigan kasama si Gena Mago

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel