Herlene Budol sa nagsabing dapat siya ang isinalang sa MU: "Malabo, bobo po ako"

Herlene Budol sa nagsabing dapat siya ang isinalang sa MU: "Malabo, bobo po ako"

- Mismong si Herlene Budol ang nagsabi sa mga tagasuporta niya na hindi umano siya bagay isalang sa Miss Universe Pageant

- Sa katatapos lang na Miss Universe, ilan sa mga netizens ang nagsabing dapat ay si Herlene na lang ang isinalang at anila ay mananalo ito

- Aniya, sana ay huwag nang ipilit at doon lang daw siya sa kung saan siya nababagay

- Dagdag pa niya, malabong manalo siya doon at katwiran niya ay "bobo" daw siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Herlene Nicole Budol ang netizens na nagsabing dapat siya ang isinalang sa Miss Universe pageant. Aniya, sana ay huwag nang ipilit at doon lang daw siya sa kung saan siya nababagay.

Herlene Budol sa nagsabing dapat siya ang isinalang sa MU: "Malabo, bobo po ako"
Herlene Budol sa nagsabing dapat siya ang isinalang sa MU: "Malabo, bobo po ako" (@herlene_budol)
Source: Instagram
Wag nating ipilit di tayo pang MU pang bardagulan Lang tayo don tayo Sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin nyo?

Read also

Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime

Dagdag pa niya, malabong manalo siya doon at katwiran niya ay "bobo" daw siya.

Malabo bobo po ako haha

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami sa mga followers ni Herlene ang nagsabing dapat ay muling subukan ni Herlene na sumali sa Miss Universe Philippines.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Read also

Francine Diaz, kinaaliwan sa pakipagtawaran niya sa Bangkok, Thailand

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel