Deniece Cornejo sa paggbabalik trabaho ni Vhong Navarro: “#ryhmeswithWRONG”

Deniece Cornejo sa paggbabalik trabaho ni Vhong Navarro: “#ryhmeswithWRONG”

- Sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime, ibinahagi ni Deniece Cornejo ang post ng Facebook page ng It's Showtime

- Ang post ng It's Showtime Facebook page ay teaser kung saan tinatanong ang mga manonood kung ano ang inaabangan nila ngayong araw

- Sa caption ng post ni Deniece nakalagay ang #ryhmeswithWRONG na siya ding ginagamit ni Kat Alano sa kanyang mga post

- Apat na buwang nawala si Vhong sa It's Showtime matapos nitong makulong dahil sa kasong isinampa ni Deniece

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Deniece Cornejo matapos ang kanyang post kaugnay sa pagbabalik It's Showtime ni Vhong Navarro ngayong araw. Sa caption ng post ni Deniece nakalagay ang #ryhmeswithWRONG na siya ding ginagamit ni Kat Alano sa kanyang mga post.

Deniece Cornejo sa paggbabalik trabaho ni Vhong Navarro: “#ryhmeswithWRONG”
Deniece Cornejo sa paggbabalik trabaho ni Vhong Navarro: “#ryhmeswithWRONG” (@vhongx44)
Source: Instagram

Sa Facebook Page ng It's Showtime, nagpost sila ng teaser para sa pagbabalik ni Vhong. Nagtanong sila kung ano ang inaabangan ng mga manonood ngayong araw.

Read also

Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime

“Madlang People! Anong inaabangan nyo ngayong Lunes? Wrong answers only!”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang apat na buwang nawala si Vhong sa It's Showtime matapos nitong makulong dahil sa kasong isinampa ni Deniece.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Muling nakasama ni Vhong ang mga kasamahan sa grupo nilang Streetboys matapos siyang makapagpiyansa at makalaya. Sa picture na binahagi ng Facebook page ng grupo, makikitang naroroon si Vhong at iba pang kasamahan kagaya nina Spencer Reyes at Jhong Hilario. Nagpasalamat ang grupo para sa mga suporta at pagmamahal na natatanggap nila mula sa publiko. Matatandaang matapos niyang makapagpiyansa at makalaya sa piitan, ito ang unang pagkakataong naibahagi ang picture ni Vhong.

Read also

Vice Ganda, masayang nabanggit ang pagbabalik umano ng isang Kapamilya sa It's Showtime

Samantala, kabilang si Karylle sa mga It's Showtime hosts na hindi napigilan ang emosyon sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime. Ani Karylle, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil aniya ay nawalan na siya ng pag-asa. Inihingi niya ng dispensa na nawalan daw siya ng pag-asa kaugnay sa pinagdaanan ni Vhong nang makulong ito. Kabilang si Karylle sa pinakamatagal na naging host ng It's Showtime kasama si Vhong kaya matagal na ang kanilang samahan sa naturang show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel