Vhong Navarro, muling nakasama ang mga miyembro ng Streetboys

Vhong Navarro, muling nakasama ang mga miyembro ng Streetboys

- Muling nakasama ni Vhong Navarro ang mga kasamahan sa grupo nilang Streetboys

- Sa picture na binahagi ng Facebook page ng grupo, makikitang naroroon si Vhong at iba pang kasamahan kagaya nina Spencer Reyes at Jhong Hilario

- Nagpasalamat ang grupo para sa mga suporta at pagmamahal na natatanggap nila mula sa publiko

- Matatandaang matapos niyang makapagpiyansa at makalaya sa piitan, ito ang unang pagkakataong naibahagi ang picture ni Vhong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasama ni Vhong Navarro ang mga kasamahan niyang Streetboys. Nagpasalamat ang grupo para sa mga suporta at pagmamahal na natatanggap nila mula sa publiko.

Vhong Navarro, muling nakasama ang mga miyembro ng Streetboys
Vhong Navarro, muling nakasama ang mga miyembro ng Streetboys (@vhongx44)
Source: Instagram

Mula nang makalaya si Vhong matapos siyang payagang makapagpiyansa, ito ang unang pagkakataon na naibahagi ang picture niya. Sa post ng The Streetboys Facebook page, naibahagi nilang sila ay "brothers for life."

Read also

Gary Valenciano, nanalangin para sa kalusugan: "I’m going to need Your miraculous touch"

A very merry Christmas to all of you! Brothers for life! From the bottom of our hearts…. A huge ‘THANK YOU’ for the prayers and undying support! May God be with us always.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel