Gary Valenciano, nanalangin para sa kalusugan: "I’m going to need Your miraculous touch"

Gary Valenciano, nanalangin para sa kalusugan: "I’m going to need Your miraculous touch"

- Naibahagi ni Gary Valenciano ang kanyang dalangin kaugnay sa kanyang kalusugan sa pamamagitan ng isang tweet

- Aniya, kakailanganin niya ang "miraculous touch" ng Panginoon ngayon at sa susunod pang mga gabi

- Hiling niya na huwag sanang mawala ang kanyang sense and spirit of Christmas sa gitna ng kinakaharap na pagsubok

- Wala naman itong binanggit kung may iniinda siyang karamdaman ngunit hiling niya na panatilihin siyang malusog sa lahat ng oras

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa tweet ni Gary Valenciano, binahagi niya ang kanyang dalangin kaugnay sa kanyang kalusugan. Wala naman itong binanggit kung may iniinda siyang karamdaman ngunit hiling niya na panatilihin siyang malusog sa lahat ng oras.

Gary Valenciano, nanalangib para sa kalusugan: "I’m going to need Your miraculous touch"
Gary Valenciano, nanalangib para sa kalusugan: "I’m going to need Your miraculous touch" (@garyvalenciano)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, kakailanganin niya ang "miraculous touch" ng Panginoon. Dahil sa kanyang tweet ay bumuhos ang dalangin para sa binansagang "Mr. Pure Energy."

Read also

Zeinab Harake sa kanyang birthday wish; "Sana po simulan niyo sa mental health ko"

Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come. Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all@these challenges. Kindly help in keeping me healthy at all times Lord. In Your name Jesus I prayAmen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gary Valenciano o Edgardo Jose Santiago Valenciano sa totoong buhay ay isang kilalang singer-songwriter, dancer, musician, actor, music producer at TV host. Nakilala siya sa bansag na Mr. Pure Energy dahil sa todo-bigay niyang mga performance. Asawa niya si Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan, kapatid ng dating senador na si Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay naibahagi ni Gary Valenciano sa Twitter ang kanyang pamomroblema sa kanyang boses at lalamunan. Aniya, ilang linggo na rin niyang iniinda iyon. Ikinabahala niya ang kanyang kalagayan dahil sa nakatakda niyang pagganap sa musical na "Joseph the Dreamer." Sa kabila nito ay hindi siya nawawalan ng pag-asa at patuloy na nagdasal para sa kanyang paggaling.

Sa pagpanaw ng kapwa mang-aawit na si Jovit Baldivino, kabilang si Gary sa nagbahagi ng kanyang mensahe. Sa kanyang tweet, naibahagi ni Gary na lagi nitong inaantabayanan ang pagkanta ni Jovit sa ASAP. Aniya, hindi pa rin siya makapaniwala na wala na si Jovit. Aniya, lagi niyang pinapalakas ang loob ni Jovit na pagpatuloy ang kanyang pagbabahagi ng kanyang talento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel