Vice Ganda, masayang nabanggit ang pagbabalik umano ng isang Kapamilya sa It's Showtime

Vice Ganda, masayang nabanggit ang pagbabalik umano ng isang Kapamilya sa It's Showtime

- Naikwento ni Vice Ganda ang tungkol umano sa isang Kapamilya na magbabalik na sa It's Showtime sa Lunes, Enero 16

- Nakausap niya umano ang Kapamilya na ito na matindi ang pinagdaanan noong nakaraang taon

- Sinabihan pa niya ito na bitbitin ang excitement na nadarama sa pagbabalik nito sa Lunes

- Hindi man nagsabi si Vice kung sino ang naturang Kapamilya, marami ang umaasang ito ay si Vhong Navarro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Vice Ganda sa It's Showtime ngayong Biyernes, Enero 13 ang tungkol sa pagbabalik umano ng isang Kapamilya sa kanilang noontime show.

Vice Ganda, masayang nabanggit ang pagbabalik umano ng isang Kapamilya sa It's Showtime
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakausap pa umano ni Vice ang Kapamilyang ito na excited na umano sa kanyang pagbabalik.

"May kausap nga ako kaninang madaling araw e. Sabi ko sa kanya alam mo, bitbitin mo 'yang excitement mo. Sa sobrang mabibigat na pinagdaanan mo last year, ang pinakamaganda namang kasama niyan is sinamahan ka kinampihan ka at pinaniwalaan ka ng madlang pipol. Kaya bitbitin mo 'yang excitement mo pagbalik mo sa Lunes," ani Vice.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Hindi man pinangalanan, subalit maraming netizens na ang umaasang si Vhong Navarro ang tinutukoy ni Vice lalo na at matagal-tagal din itong nawala sa kanilang programa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Hindi man sabihin ni Vice pero syempre si Vhong 'yan. Magandang simula sa 2023"
"Si Vhong yern... Buti makakabalik na siya"
"Malamang emotional ang It's Showtime sa Monday. Go Vhong! Bangon na ulit"

Matatandaang sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nabanggit nitong ngayong Enero magbabalik si Vhong Navarro sa It's Showtime.

Minsan na ring nabanggit ni Vice ang lagi umanong tanong sa kanya ng madlang pipol kung kailan babalik si Vhong sa kanilang programa.

Aniya, nagpapahinga pa noon si Vhong na nais na rin talaga nilang makasama. Pabiro na lang niyang sinabi na hindi siya ang manager nito para makapagsabi kung muli na bang mapapanood sa sa kanilang noontime show si Vhong.

Read also

Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin

Matatandaang Disyembre 6 ng nakaraang taong 2022 nang payagan ng korte na makapagpiyansa si Vhong. Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan na makasama muli ang kanyang pamilya sa panahon ng Kapaskuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel