Vhong Navarro, haharapin muli ang kaso sa Pebrero ayon kay Cristy Fermin
- Handa na umano ang legal team ni Vhong Navarro sa muling pagharap nito sa kanyang kaso sa Pebrero ayon kay Cristy Fermin
- Inaasahan ding maghaharap na sina Vhong at ng nag-akusa umano sa kanya na si Deniece Cornejo
- Sinasabing ngayong Enero na rin magbabalik sa It's Showtime matapos ang pamamahinga nito ngayong Kapaskuhan
- Matatandaang si Vhong Navarro ay ilang buwang na-detain sa NBI at sa Taguig City jail hanggang sa payagan ito ng korte na makapagpiyansa nitong Disyembre
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Handa na umano ang legal team ni Vhong Navarro sa inaasahang paghaharap nila ng nag-akusa sa kanya na si Deniece Cornejo.
Nalaman ng KAMI na sa pagpasok ng taong 2023, inaasahang patuloy pa rin ang pag-usad ng kaso ni Vhong kasabay ng pagbabalik telebisyon nito ayon kay Cristy Fermin.
"Sa darating na buwan po, Pebrero, handang-handa na po ang legal team ni Vhong Navarro para sa paghaharap nila ng nag-akusa sa kanya na si Deniece Cornejo," ani Cristy na isa umano sa nagalak nang mapagbigyan ng korte ang It's Showtime host na makapagpiyansa.
"Kung paniniwalaan natin ang mga nauna nang komento ng mga taong mas nakakaalam ng ligalidad, maganda ang magiging resulta nitong laban ni Vhong," ang positibong pahayag pa ni Cristy.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nabanggit din niya ang inaasahan ng marami na pagbabalik nito sa kanilang noontime show.
"Kung hindi tayo nauuna na naman, Itong buwan na ito ay babalik na siya sa Showtime. 'Yun ang sabi ng kanyang abogado noon 'di ba?"
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na! ngayong Enero 3:
Gumulantang sa publiko noong Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na siya ay payagang makapagpiyansa ng halagang isang milyong piso. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho. Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.
Samantala, naging emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pag-uwi nito. Ayon pa kay Ogie Diaz, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh