Vhong Navarro, nagbahagi na muli ng post; "Napakarami kong pinagpapasalamat"

Vhong Navarro, nagbahagi na muli ng post; "Napakarami kong pinagpapasalamat"

- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbahagi na muli ng post si Vhong Navarro matapos na makalaya kamakailan

- Pasasalamat agad ang tema ng kanyang post na tinaon niya sa Kapaskuhan

- Makikitang nakangiti si Vhong, katabi ang misis, mga anak at iba pang mga mahal niya sa buhay

- Disyembre 6 nang mabigyan ng pagkakataong makapagpiyansa si Vhong ng Php1 million dahilan upang mabigyan siya ng pansamantalang kalayaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post mismo si Vhong Navarro sa kanyang Instagram account ngayong araw ng Kapaskuhan, Disyembre 25.

Vhong Navarro, nagbahagi na muli ng post; "Napakarami kong pinagpapasalamat"
Vhong Navarro kasama ang kanyang mga mahal sa buhay (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ang unang pagkakataon muli na makapag-post si Vhong matapos siyang mapiit at mabigyann ng pansamantalang kalayaan.

Sa kanyang post, makikita ang larawan ng isang Vhong Navarro na nakangiti katabi ng kanyang misis, mga anak at iba pang mga mahal sa buhay.

Read also

Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng namayapang fiancée

'Napakarami kong pinagpapasalamat... Thank you, Jesus! Happy Birthday!" pahayag ni Vhong na minsan nang pinangamabahan ng marami sa pag-aakalang magpapasko ito sa Taguig City jail.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilarawan niyang 'pinakamasayang Pasko' ang sa taong ito. Pinunan din niya ng pasasalamat ang lahat ng mga nagdasal at sumuporta sa kanya at sa kanyang pamilya sa matinding pagsubok na kanilang patuloy pa ring pinaglalabanan.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Gumulantang sa publiko noong Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na siya ay payagang makapagpiyansa ng halagang isang milyong piso. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho. Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Read also

Holdaper at snatcher noon, Kilala na ngayon sa kanyang tindang sandwich sa Divisoria

Samantala, naging emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pag-uwi nito. Ayon pa kay Ogie Diaz, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.

Maging si Billy Crawford ay agad na nakausap si Vhong. Labis itong nagpapasalamat na nakalaya na ang kaibigan at makakasama na nito ang pamilya sa Pasko.

Sa ngayon, nagpapahinga muna siya kasama ang kanyang pamilya. Umaasa ang marami na makabalik na rin sana umano ito sa noontime show na It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel