Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila

Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila

- Nagpasalamat si Vice Ganda matapos ang unang araw ng pagpapalabas ng Metro Manila Film Festival

- Ang pelikula nila ni Ivana Alawi na Partners in Crime ang isa sa pinakapinilahan sa mga sinehan basi sa mga lumabas na pictures sa social media

- Marami din ang naghayag ng kanilang pagbati sa TV host at sa mga kasamahan nito dahil sa magandang kalidad ng kanilang pelikula

- Kabilang ang kanilang pelikula sa walong iba pa na kasali sa MMFF 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Vice Ganda ang mga nanood at pumila sa kanyang pelikulang Partners in Crime kasama si Ivana Alawi. Isa ang kanilang pelikula sa pinakamatunog ngayong Metro Manila Film Festival.

Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila
Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ani Vice, nakaka-iyak ang suporta sa kanyang pelikula na kahit sa mga social media posts ay sinasabing sold out sa mga senihan. May ilan pang mga video na nagpapakita ng mahabang pila ng tao p

Read also

Ryan Bang at Cianne Dominguez, kinakiligan sa kanilang first date

Kabilang ang kanilang pelikula sa walong iba pa na kasali sa MMFF 2022.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel