Maricel Soriano, diretsahang sinabi na hindi siya takot ma-laos

Maricel Soriano, diretsahang sinabi na hindi siya takot ma-laos

- Naitanong ni Meryl Soriano sa tiyahin niyang si Maricel Soriano kung takot daw ba itong malaos

- Agad na sinagot ni Maricel si Meryll na hindi dahil aniya, sa simula pa lang ay alam niya na ang tungkol dito

- Aniya, dapat ay laging maging handa ang sinumang pumasok sa mundo ng showbiz dahil aniya ang lahat ay may katapusan

- Nabanggit niya rin na dapat ay ibigay naman ang pagkakataong sumikat sa iba kapag natapos na ang panahon sa pagsikat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinabi ni Maricel Soriano na hindi siya takot na ma-laos. Aniya, dapat ay laging maging handa ang sinumang pumasok sa mundo ng showbiz dahil aniya ang lahat ay may katapusan.

Maricel Soriano, diretsahang sinabi na hindi siya takot ma-laos
Maricel Soriano, diretsahang sinabi na hindi siya takot ma-laos (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Aniya, dapat ay laging maging handa ang sinumang pumasok sa mundo ng showbiz dahil aniya ang lahat ay may katapusan.

"Dapat girl scout ka, laging handa kasi hindi pupwedeng hindi ka maging handa dahil hindi mo alam... parang buhay rin 'to na kung ano'ng maaaring mangyari na ayan sumikat ka, e, di maraming-maraming salamat. papaano kung hindi, e, di maraming maraming salamat pa rin ganoon."

Nabanggit niya rin na dapat ay ibigay naman ang pagkakataong sumikat sa iba kapag natapos na ang panahon sa pagsikat.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung sumikat ka, tapos na 'yung time mo, bigay mo naman sa iba. Kasi ganoon talaga yun e. Natapos na yung term mo o 'yung time mo, share it naman with others.

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag ka-eksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel