Billy Crawford, tinanghal ng grand champion sa Danse Avec Les Stars

Billy Crawford, tinanghal ng grand champion sa Danse Avec Les Stars

- Emosyonal si Billy Crawford nang tanggapin ang award sa pagkapanalo sa French edition ng Dancing With The Stars na Danse Avec Les Stars

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matapos ang pagiging top scorer sa mga naunang episodes ng naturang show, nasungkit ni Billy ang panalo sa ginanap na finals night nito lamang Biyernes ng gabi, November 11, 2022, sa France at Sabado ng umaga, November 12, dito sa Pilipinas

- Makikita sa mga lumabas na picture ang pagiging emosyonal ni Billy habang hawak ang patunay ng kanyang pagkakapanalo

- Nanalo din si Billy sa public votes na nagpapatunay lang ng kanyang popularidad sa France

Si Billy Crawford ang tinanghal na grand champion sa Danse Avec Les Stars. Naipanalo ni Billy maging ang boto mula sa publiko bukod sa kanyang pagiging top scorer sa mga naunang episodes ng naturang show.

Read also

Herlene Nicole Budol, hindi na kasali sa Miss Planet International 2022

Billy Crawford, tinanghal ng grand champion sa Danse Avec Les Stars
Billy Crawford, tinanghal ng grand champion sa Danse Avec Les Stars (@billycrawford)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa mga pictures na lumabas sa social media, makikita ang pagiging emosyonal ni Billy sa kanyang pagkapanalo. Sa kabila ng kanyang pagkawala sa France matapos nitong umuwi sa Pilipinas, mainit ang naging pagtanggap ng publiko doon sa kanya pagbabalik para sumali sa naturang TV show.

Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Read also

Julia Barretto at Gerald Anderson, pinakilig ang mga fans sa kanilang date night

Matatandaang kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen sa Instagram. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Umani si Billy at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance kamakailan. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila. Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy. Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel