RR Enriquez sa nabuhay na isyu ni Sarah G sa kanyang mga magulang; "Ang tagal na nito"

RR Enriquez sa nabuhay na isyu ni Sarah G sa kanyang mga magulang; "Ang tagal na nito"

- Nagbigay pahayag si RR Enriquez patungkol sa nabuhay na isyu ni Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang

- Ito ay matapos na mag-post si Sarah ng pagka-miss umano sa kanyang mga magulang kamakailan sa kasagsagan ng Bagyong Paeng

- Ani RR, sana raw ay nagkaintindihan na sina Sarah at kanyang mga magulang lalo na at nasa tamang edad na ito at tumatagal na rin nang husto ang naturang isyu

- Nagbiro pa si RR na maaring ang pagkakaroon ng anak nina Sarah at Matteo ang magiging daan para magkaayos sila ng kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga pinakabagong sinawsawan ni Sawsawera Queen RR Enriquez ang nabuhay na isyu kamakailan ni Sarah Geronimo at mga magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

RR Enriquez sa nabuhay na isyu ni Sarah G sa kanyang mga magulang; "Ang tagal na nito"
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera vlogs)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kasagsagan ng Bagyong Paeng noong nakaraang linggo, naglabas ng post si Sarah tungkol sa kanyang mga magulang na naiisip niya sa araw-araw.

Read also

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, may bagong bar sa Siargao

Sa naturang pahayag, humingi rin ng tawad si Sarah sa kanyang mga magulang at pamilya.

Dahil dito, agad na naisip ni RR na dahilan ng paghingi umano ng tawad ni Sarah ay ang desisyon niyang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dama ko 'yung pain ni Sarah Geronimo dito. Dama ko 'yung pain," ani RR.

"Dito naman sa story ni Sarah Geronimo Guidicelli going back kung anuman ang naging puno't dulo ng 'di pagpansin ng magulang niya sa kanya. I believe na ito 'yung dahil nag-asawa siya. Nagdesisyon siya na pakasalan si Matteo Guidicelli and ako magbibigay lang ako ng comment kasi hindi pa ako sawsawera 'nung time na 'to kaya 'di ako nakasawsaw,"
"Alam niyo, I think nasa tamang edad na si Sarah Geronimo nung nagpakasal siya and for what I know and what I remember, Sarah Geronimo is such a nice, fine, young lady. Alam ko masunurin 'tong batang 'to e. Kung ano 'yung sinasabi ng Mama Divine niya sinusunod niya talaga,"

Read also

Ogie Diaz, sa umano'y away nina Barbie at Debbie; "Baka naman may mas mabigat na rason"

Gayunpaman, tulad ng marami, naniniwala si RR na darating din ang tamang panahon na magkakaayos na sina Sarah at kanyang mga magulang. Nagbiro pa nga si RR na baka sakaling ang magiging anak nina Sarah at Matteo ang magiging daan upang magkapatawaran sina Sarah, Mommy Divine at Daddy Delfin.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel