RR Enriquez kay Manay Lolit; "Parang 'di ako naaawa... Nagpapa-victim effect"

RR Enriquez kay Manay Lolit; "Parang 'di ako naaawa... Nagpapa-victim effect"

- Muling nagbigay ng kanyang 'honest opinion' si RR Enriquez patungkol sa umano'y patutsada ni Lolit Solis kay Bea Alonzo

- Matapos kasi itong maalis sa PAMI o Professional Artist Managers Inc., ay nag-sorry na raw ito kay Bea

- Gayunpaman, para kay RR hindi tama ang ginawa ni Lolit sa halos araw-araw na pamumuna nito kay Bea

- Aniya, kung sakaling siya ang nakaranas ng mga patutsada kay Bea, nakakatikim umano ang sinomang gagawa nito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling sinawsawan ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang halos kahuhupa lamang na isyu nina Lolit Solis at Bea Alonzo.

RR sa "respeto bilang nakakatanda" kay Lolit; "Pero I need to call out 'yung mga mali sa'yo"
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera Queen YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na tila natahimik na si Lolit sa umano'y halos araw-araw na patutsada nito kay Bea buhat nang matanggal siya sa PAMI o Professional Artist Managers Inc.

Ani RR, nagawa naman nang mag-sorry ni Lolit subalit naroon pa rin ang umano'y pa-victim effect nito.

Read also

Andrew Schimmer, lumuluha na nag-update; "Yesterday was one of the hardest fight of her life"

"Kung hindi pa siya tatanggalin ng PAMI, hindi pa siya mananahimik.Nabasa ko nga mga post niya, bumait-bait tapos pa-victim effect. paawa effect pa. Parang akala mo siya yung bina-bash," ani RR.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alam ko mas matanda po kayo sa akin and nirerespeto ko po kayo sa larangan ng chismisan. Kasi kung hindi po dahil sa inyo, wala po kaming sasawsawan, wala po ako dito. Pero ayun nga, I need to call out yung mga maling nakita ko sa inyo. It's so obvious nagpapa-victim effect, nag-humble down naman siya, humingi naman siya ng sorry," pagpapatuloy pa niya.

Kaya naman saludo siya sa ginawa namang pananahimik ni Bea sa isyu na kahit alam daw niyang nasasaktan ito ay pinili pa rin na hindi na lamang patulan ang mga naging patutsada sa kanya ni Lolit.

Read also

RR, sang-ayon kay Sen. Robin; "Ako lang to ha, medyo napepekean din ako sa kanila

Dahil kung siya raw ang gagawan ng tulad kay Bea, hindi raw niya ito palalampasin at sinabing 'makakatikim' pa ang gagawa nito sa kanya.

"I honestly don' t believe 'pag sinasabing respect elders. Pero pano naman kung hindi karespe-respeto? Pa'no kung sila 'yung bastos? Ako talaga wala akong tiyaga sa ganyan. I always see everyone na eqaul talaga. Walang matanda, walang bata. Walang kung ano-anoman. Basta kung bastos ka, makakatikim ka talaga sa'kin na salita. Wala akong pakialam kung anak ka pa ng presidente, kung ikaw pa mismo ang presidente, kung mas matanda ka sa akin... makakatikim ka talaga sa akin."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel