Ogie Diaz, sa umano'y away nina Barbie at Debbie; "Baka naman may mas mabigat na rason"

Ogie Diaz, sa umano'y away nina Barbie at Debbie; "Baka naman may mas mabigat na rason"

- Nabigyang reaksyon nina Ogie Diaz ang umano'y kontrobersiya nina Barbie Imperial at Debbie Garcia

- Aniya maaring may mas mabigat na rason kung bakit ganoon ang nangyari sa dalawa nang magkasama

- Marami kasi ang nagsasabing 'lalake' ang dahilan ng umano'y naging away ng dalawa na nauwi pa sa pisikalan

- Hiling din naman ni Ogie D na magkaayos na lamang ang magkabilang panig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz sa kanyang pinakabagong episode ng Showbiz Update ay nagbigay komento sa umano'y kontrobersiyal na bar scene nina Barbie Imperial at Debbie Garcia.

Ogie Diaz, sa umano'y away nina Barbie at Debbie; "Baka naman may mas mabigat-bigat na rason"
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na labis itong gumawa ng ingay lalo na't ang itinuturong dahilan umano ng kanilang komprontasyon ay si Diego Loyzaga.

Dahil ito, agad na lumabas ang ispekulasyon na dahil si Debbie umano ang bagong pinopormahan ni Diego, tila nakaramdam daw ng selos si Barbie na ex-girlfriend naman ni Diego.

Read also

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

Kitang-kita kasi ang naganap na hablutan ng dalawang aktres na tila nagkapikunan 'di umano.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kwento naman mismo ni Debbie, magbebeso lamang daw siya kay Barbie bilang courtesy sa kanyang pag-alis nang bigla na lang may nangyaring iringan.

"Baka naman may mas mabigat-bigat na rason kung bakit naghablutan 'yung dalawa," ani Ogie Diaz sa nangyari. Posible umanong noon pa ma'y mayroon nang namumuong tensyon sa dalawa subalit noon lamang nagkita at nagpang-abot.

"Pero cheap naman talaga ang ganoong klaseng pag-aaway dahil lang sa isang lalake," dagdag ni Ogie sakaling totoo ang sinasabing dahilan ng naging gulo ng dalawa na nauwi na umano sa demandahan.

Gayunpaman, hiling ni Ogie na magkaayos na lamang ang dalawa upang hindi rin maapektuhan ang career ng mga ito dahil lang sa nangyaring gulo.

Read also

Landmark employee na nag-viral sa akusasyong pagnanakaw, dumulog na sa RTIA

"Sana magkaayos na si Barbie at si Debbie. Baka naman naging magkaibigan sila 'di ba? 'Wag nilang sayangin ang kanilang friendship"

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Kamakailan, nagbahagi rin si Ogie ng kanyang karanasan nang ma-interview si Wilbert Tolentino. Ito ay matapos na maging usap-usapan ang video nito na may pamagat na 'Ang Rebelasyon' kung saan nabanggit nito ang tungkol sa ibinabayad umano niya sa mga nakakatrabaho sa mga vlogs.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel