Billy Crawford at dance partner, pasok na sa Grand finals ng DALS

Billy Crawford at dance partner, pasok na sa Grand finals ng DALS

- Pasok na sa grand finals ng Danse Avec Les Stars sina Billy Crawford at ang dance partner niyang si Fauve Hautot

- Sila ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa dalawang segment sa semi-finals na pinalabas nitong November 5, 2022

- Ito ay sa kabila iniindang injury ni Billy sa kanyang likod na ayon sa isang judge ay hindi halata dahil sila umano ay nakalimutan na ang tungkol sa back injury niya

- Matatandaang maging nang magsimula ang naturang show ay naging paborito ng viewers sina Billy at Fauve

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pasok na sina Billy Crawford at ang dance partner niyang si Fauve Hautot sa finals ng Danse Avec Les Stars. Muli silang nagkamit ng pinakamataas na puntos sa kabila ng iniindang back injury ni Billy.

Billy Crawford at dance partner, pasok na sa Grand finals ng DALS
Billy Crawford at dance partner, pasok na sa Grand finals ng DALS (@billycrawford)
Source: Instagram

Maging ang isa sa mga judge ay hindi na naalala ang tungkol sa iniindang back injury ni Billy dahil sa pinamalas nilang husay.

Read also

Dating Pop Singer na si Aaron Carter, pumanaw na sa edad na 34

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sila din ang nagkamit ng pinakamataas na puntos kahit noong nagsimula ang show noong September. Sa katunayan ay nakatanggap ng standing ovation ang performance ng dalawa noong pilot episode.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Matatandaang kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen sa Instagram. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Read also

Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7

Umani si Billy at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance kamakailan. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila. Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy. Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel