Ninong Ry, aminadong emosyonal sa pagluluto para sa 300 katao sa preso

Ninong Ry, aminadong emosyonal sa pagluluto para sa 300 katao sa preso

- Emosyonal ang influencer na si Ninong Ry nang mabigyan siya ng pagkakataon na magluto para sa mga preso

- Nasa 300 katao sa loob ng San Juan City Jail ang kanyang nahandugan ng masarap na pananghalian

- Bukod dito, nagbigay din sila ng mga hygiene kit at munting kasiyahan sa mga PDL

- Si Karen Bordador ang naging daan umano upang maisakatuparan ang proyektong ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong naging emosyonal si Ryan Morales Reyes o mas kilala bilang si "Ninong Ry" ng YouTube nang mabigyan siya ng pagkakataong makapagluto para sa nasa 300 na preso ng San Juan City Jail Male Dormitory.

Ninong Ry, aminadong emosyonal sa pagluluto para sa 300 katao sa preso
Si Ninong Ry habang namamahagi na ng kanyang niluto para sa mga detainees. (Ninong Ry YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naisakatuparan ito ni sa tulong ng ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Si Karen ang nag-reach out kay Ninong Ry at nagbigay ideya ng pagtulong na ito sa mga person deprived of liberty ng San Juan.

Read also

DepEd, opsyonal na rin ang pagpapasuot ng face mask sa pagbabalik paaralan

"Ako personally yung experience na makapagluto sa ganitong lugar, iba 'yun e. Hindi araw-araw makukuha ko 'yung ganoong pagkakataon e...Plus, I can share this to my inaanaks. Sobrang laking bagay talaga," masayang ibinahagi ni Ninong Ry.

Nagluto siya ng beef caldereta, roasted chicken at buttered togue para sa mga inmates. Bukod dito, binigyan din nila ng hygiene kit at iba pang basic needs ng mga nakapiit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakisaya rin sila sa munting programang handog ng mga ito sa kanila bilang pasasalamat.

Hindi napigilang maantig ang damdamin ni Ninong Ry na halos maluha na umano sa saya ng kanyang pakiramdam sa pagtulong sa mga kababayan nating nasa loob ng kulungan.

"Andito ako sa labas, nagpapahangin. Muntik na akong maiyak kanina. Mababaw luha ko pero ayaw kong magtuloy lang talaga"

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Aniya, hindi lamang niya nabusog at napasaya ang mga ito kundi baon din niya ang aral na natutunan niya sa pagbisita sa mga preso ng San Juan.

"Akala ko magluluto lang ako sa ibang environment pero sobrang dami kong natutunan. Ang dami kong narinig na kwento. Sobrang bumukas 'yung isipan ko."

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan mula mismo sa YouTube channel ni Ninong Ry:

Si Ryan Morales Reyes o mas kilala bilang si "Ninong Ry" ay isa sa mga content creators sa bansa na mas lalong nakilala sa kasagsagan ng pandemya.

Dahil sa kanyang mga masasarap na lutuin na tila pinadali niya ang paghahanda, marami ang mga Pinoy na sumubaybay sa kanyang mga videos. Katunayan, umabot na sa 1.72 million ang kanyang mga 'inaanak.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica