Darryl Yap, kinorek si Juliana Parizcova sa dapat daw na sagot sa imbitasyon ng Ms.Q&A

Darryl Yap, kinorek si Juliana Parizcova sa dapat daw na sagot sa imbitasyon ng Ms.Q&A

- Nagbigay reaksyon si Direk Darryl Yap sa naging tugon ni Juliana Parizcova Segovia sa imbitasyon sa kanya ng It's Showtime

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang suhestyon, tahasang sinabi nito na kaya lamang naimbitahan si Juliana ay dahil wala roon si Vice Ganda

- Ayon pa sa direktor, may nagsasabi sa mga contestants na kailanma'y huwag babanggitin ang pangalan ni Juliana sa naturang paligsahan

- Nauna nang ibahagi ni Juliana ang naging reply niya sa Ms. Q and A kung saan sinabi niyang mayroon daw siyang shooting sa araw na iyon

Kinorek umano ni Direk Darryl Yap si Juliana Parizcova Segovia sa umano'y imbitasyon sa kanya ng Miss Q and A ng It's Showtime.

Darryl Yap, kinorek si Juliana Parizcova sa dapat daw na sagot sa imbitasyon ng Ms. Q&A
Photo: Darryl Yap
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Cristy Fermin kay Bea Alonzo; "Magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista"

Nalaman ng KAMI na 'mal na naman' daw si Juliana ayon kay Darryl kaya't binigyan niya ito ng suhestyon kung ano ang dapat sana nitong reply sa imbitasyon sa kanya.

"Ayoko po pumunta kasi kaya lang ako pinapupunta dahil wala si Vice, tapos yung mga kaibigan ko pong sumasali— sinasabihan daw sila sa show na wag na wag babanggitin ang pangalan ko... ganon ang sagot Juliana Parizcova,” ayon sa direktor.

Matatandaan na ang naisagot umano ni Juliana sa imbitasyon ay ang pagkakaroon niya umano ng shooting sa araw na iyon.

"As much as i want to, kaso hindi talaga keri..Thank you @itsshowtimena for inviting me..and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations," ang caption ng post ni Juliana.

Si Juliana Parizcova Segovia ay si "TJ Ortega" sa totoong buhay. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime taong 2018.

Read also

Juliana Parizcova, naimbitahan sa Ms.Q&A; "Hindi po ako pwede, may shooting po ako"

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media dahil sa isang parody video na umano'y base sa kontrobersyal na video ni Angelica Panganiban.

Minsan na rin nitong pinabulaanan ang umano'y isyu kung saan dinedma raw siya ni Vice Ganda sa Miss International Queen Philippines. Aniya siya ang lumapit sa kanyang 'Meme Vice', nagbeso at yumakap kaya walang katotohanan ang sinasabing dedmahan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel