Kris Aquino, pumalo na sa 90 pounds ang timbang ayon sa source ni Ogie Diaz

Kris Aquino, pumalo na sa 90 pounds ang timbang ayon sa source ni Ogie Diaz

- Pumalo na umano sa 90 pounds ang timbang ni Kris Aquino ayon sa source ni Ogie Diaz

- Kung dati ay nailarawan si Kris ng kanyang kapatid na hindi manlang nakarating ng 90 pounds noon

- Sinasabing nasa Los Angeles si Kriz na patuloy pa rin ang pagpapagaling

- Hiling nina Ogie Diaz na tuloy-tuloy na ang paggaling nito upang makabalik na sila ng kanyang mga anak dito sa Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umabot na rin sa wakas sa 90 pounds ang timbang ni Kris Aquino ayon sa source ni Ogie Diaz.

Kris Aquino, pumalo na sa 90 pounds ang timbang ayon sa source ni Ogie Diaz
Kris Aquino with Joshua and Bimby (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami ang natutuwa sa balitang ito na hudyat na umano ng papapagaling na si Kris Aquino.

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Updatem napag-usapan umano nila ang kalagayan ni Kris na nasa Los Angeles.

Read also

Ogie Diaz, sa tsismis na bagsak sales ang Shopee; "Puro ang turo ng daliri kay Toni Gonzaga"

"Ibig sabihin, ume-effect 'yung treatment sa kanya, nakakabuti sa kanya," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Napaka-effective po ng ating prayers, Continue praying for Kris' recovery," dagdag pa nito.

Kaya naman hiling din nila na sana'y tuloy-tuloybna ang pagpapagaling ni Kris.

Matatandang minsan na ring naibalita ni Cristy Fermin ang paglipat ni Kris mula sa Houston, Texas patungo sa kanila ngayong tinitirhan sa Los Angeles kung saan kasama niya ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Bihira na rin umano ito na mag-post sa kanyang social media at minsan-minsan na lamang nagbibigay ng update sa kanyang kalagayan.

Sinasabing isa raw ito sa mga paraan ng pagpapagaling ni Kris, ang umiwas sa mga umano'y negativity na hatid ng social media.

Katunayan, Setyembre 7 pa nang huli itong mag-post sa kanyang Instagram. Ito ay ang larawan niya kasama ang dalawang mga anak na sina Bimby at Josh.

Read also

Cristy Fermin, todo puri kay John Lloyd Cruz; "Ang gwapo-gwapo niya ngayon!"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel niyang 'Ogie Diaz Showbiz Update':

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter sa bansa.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Sa ngayon, may bago pa muli na YouTube channel si Ogie ang Ogie Diaz TV.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica