Cristy Fermin, todo puri kay John Lloyd Cruz; "Ang gwapo-gwapo niya ngayon!"

Cristy Fermin, todo puri kay John Lloyd Cruz; "Ang gwapo-gwapo niya ngayon!"

- Todo puri si Cristy Fermin sa umano'y pagbabalik anyo ni John Lloyd Cruz

- Nilarawan niya ito na 'ang gwapo-gwapo' mula na rin sa mga larawan kung saan kasama nito ang nababalitang nobya nito

- Ayon pa kina Cristy, tila 'in love talaga ang aktor na malayo na ang itsura nang minsan itong mawala pansamantala sa showbiz

- Hiling nilang magtuloy-tuloy na ang muling pag-usbong ng career ni John Lloyd

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Ang gwapo-gwapo niya ngayon!" ang nasambit ni Cristy Fermin nang mapag-usapan nila nina Romel Chika at Morly Alinio sa Showbiz Now Na! ang umano'y pagbabalik anyo ni John Lloyd Cruz.

Cristy Fermin, todo puri kay John Lloyd Cruz; "Ang gwapo-gwapo niya ngayon!"
John Lloyd Cruz at Isabel Santos (@somethingstarwars)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na todo puri nila si John Lloyd base na rin sa mga larawan nito na kasama ang napapabalitang girlfriend nito na si Isabel Santos.

Read also

Cristy, sa umano'y isyu ni Lolit kay Bea; "May damdamin din ang ibang tao"

"Ang gwapo-gwapo saka 'yung lahat ng kanyang sinasabi meron nang saysay na nakatatawid sa publiko nauunawaan na siya," ani Cristy.

Isa rin sa napuna nila ay ang kaligayahan umano ni John Lloyd sa bago nitong karelasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero kitang-kita po natin ang kaligayahan ngayon sa puso ni John Lloyd kahit hindi natin siya nakakaharap. Dahil sa kanyang karelasyon of course, si Isabel Santos,"

Ayon pa kay Cristy, si Isabel na nagpapasaya ngayon kay John Lloyd ay isang alagad ng sining at apo ng isang award-winning artist sa bansa na si Mauro Malang Santos.

At dahil umano sa masayang buhay ngayon ni John Lloyd sa piling ni Isabel, tila nanumbalik na ang dating John Lloyd na ilang taon ding nawala sa showbiz.

"Bumalik na 'yung dating John Lloyd na lagi nating gustong napapanood, nakikita," dagdag pa ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Bea kay Lolit: "I wish her well"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel