Aubrey Miles, nalungkot nang matanggal ang Rocket’s Autism Awareness page nila
- Ikinalungkot ni Aubrey Miles na na-unpublish ang page nila sa Facebook
- Ito ay ang Rocket’s Autism Awareness page nila kung saan ibinabahagi niya ang development ng kanyang anak na si Rocket
- Aniya, iniyakan niya ang pangyayaring ito dahil pinapahalagahan nila ito
- Aniya, nakikita pa naman ang page ngunit ani Aubrey ay hindi sila makapag-post
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ikinalungkot ni Aubrey Miles na-unpublish ang Rocket’s Autism Awareness page nila dahil daw sa violation nito sa community standards.
Aniya, hindi din gumagana ang dispute button para sana masubukan niyang ipabalik ang kanilang page.
Of course I know this could be from a report or some Ai thing but now that our page is down, the option button to dispute is not working.
Iniyakan din daw ito ni Aubrey at hiling na sana ay maipaliwanag sa kanya kung ano ang dahilan ng pagkaka-unpublished ng kanilang page.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
I’m in tears over this. Please @facebook I hope you open my many reports asking why this has happened.
Dagdag pa niya, bukod sa kanyang binabahaging progress sa anak, dito din sila nakikipag-usap sa mga kagaya nilang may anak na parehas ang kalagayan sa anak niyang si Rocket.
I run this FB page for my daughter who is on the Autism Spectrum. We share progress, stories, and even exchange valuable information to other families with Autism. Please bring our page back
Nagmula ang stage surname ni Aubrey sa "Miles Away" na awitin. Nakilala siya sa kanyang mapangahas na mga pagganap sa mga pelikula.
Ang kanyang karelasyong si Troy Montero ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Hunter Cody Sandel Miller at Rocket Miller.
Si Aubrey Miles ay kilala bilang isa sa mga celebrities na mahilig sa pag-aalaga ng halaman o maituturing na "plantita." Sa katunayan, ginawa niya rin itong negosyo at nakapagpundar siya ng lote mula sa kanyang pagbebenta ng halaman.
Sa pagkukwento ni Aubrey sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, hindi napigilan ni Aubrey ang maging emosyonal. Aminado si Aubrey na sinisi niya ang kanyang sarili nang una nilang malaman ang tungkol sa autism ng anak na si Rocket. Nasabi umano sa kanila ng doktor na walang tukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng autism ang bata. Gayunpaman, naaayos naman umano at natutulungan ang mga taong may autism sa pamamagitan ng therapy.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh