Vice Ganda, masayang nakipagkulitan sa ina; pinag-twerk si Nanay Rosario

Vice Ganda, masayang nakipagkulitan sa ina; pinag-twerk si Nanay Rosario

- Nakasama ni Vice Ganda ang kanyang Nanay Rosario sa kanyang pinakabagong vlog

- Masaya itong nakipagkulitan sa anak at sumabay din sa mga kakulitan ng anak

- Sa isang bahagi ng vlog ay pabirong nagkomento si Vice tungkol sa malaking balakang ni Nanay Rosario

- Natawa na lamang ang nanay niya nang ipagawa sa kanya ni Vice ang pagtwerk

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-inang Vice Ganda at Nanay Rosario sa pinakabagong vlog ni Vice Ganda. Sa isang bahagi ng vlog ay pabirong nagkomento si Vice tungkol sa malaking balakang ni Nanay Rosario at pinag-twerk niya ito.

Vice Ganda, masayang nakipagkulitan sa ina; pinag-twerk si Nanay Rosario
Vice Ganda, masayang nakipagkulitan sa ina; pinag-twerk si Nanay Rosario (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Tawang-tawa naman si nanay Rosario matapos nilang magsayaw na mag-ina. Sa naturang vlog ay pinakita ni Nanay Rosario kung paano magluto ng dinakdakan. Marami naman sa mga viewers ng vlog ni Vice ang natuwa sa samahan ng mag-ina.

Read also

Joshua Garcia and Bella Racelis, namataang magkahawak-kamay

Nanay Rosario being on Meme's vlog hits differently. Alam na alam mo na yung pagiging komedyante ni Vice eh namana niya sa mom niya, simple lang si nanay pero nakakatawa din mga hirit niya
Nanay Rosario is so sweet,laging may "anak ' sa bawat salita nya,kahit nakukulitan na sya pero super cool parin. More vlog meme with nanay Rosario.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakakatuwa ung bonding ni Meme Vice at Nanay Rosario

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel