Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

- Nagpaunlak ng panayam si Tom Rodriguez kay Ogie Diaz kamakailan lamang

- Kinumusta ni Ogie si Tom na sinabing siya ay masaya sa kinaroroonan niya ngayon

- Natanong din siya ni Ogie kung nagkakausap pa ba sila ni Carla Abellana

- Sinagot ito ni Tom at hiling nito ang kabutihan para sa dating nakarelasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaunlak ng interview si Tom Rodriguez kay Ogie Diaz. Makikitang masaya si Tom sa kanyang kinaroroonan ngayon.

Nalaman ng KAMI na todo-todo ang naging bonding ni Tom sa kanyang pamilya na hindi niya nakasama buhat nang magpandemya.

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"
Tom Rodriguez (@akosimangtomas)
Source: Instagram

Malaki umano ang naitulong ng mga ito sa dami ng kanyang pinagdaanan lalo na sa kinaharap na kontrobersiya sa dating nakarelasyon na si Carla Abellana.

Dahil dito, tulad ng tanong din ng marami, natanong din ni Ogie si Tom kung may komunikasyon pa rin ito kay Carla.

Read also

Bride na 'di sinipot ng groom, piniling ituloy ang wedding reception

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I would rather refrain nalang po from commenting. But at the same time, I'm happily moving on in my own path," ani Tom.

"And I hope, I wish the same for her," pahabol pa niya.

Matatandaang gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Tom at Carla ilang buwan lamang mula noong sila ay makasal.

Sa umpisa'y naging tahimik ang magkabilang panig kaya naman walang kumpirmasyon ng naging mabigat na dahilan kung bakit nila piniling mag-kanya kanya na lamang.

Isa sila sa mga maituturing sana'y huwarang showbiz couple noon na tumagal ang relasyon subalit nauwi rin sa hiwalayan.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Tom mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Naging manager din siya ng mga sikat na artista katulad ni Liza Soberano.

Read also

Barbie Imperial sa pumuna sa pananamit niya: "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Kamakailan lang ay napag-usapan naman nina Cristy Fermin sa YouTube channel nilang 'Showbiz Now Na!' ang tungkol sa umano'y pag-aaral umanong bumaril ni Carla Abellana para raw sa kanyang 'safety and protection.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel