Joshua Garcia and Bella Racelis, namataang magkahawak-kamay

Joshua Garcia and Bella Racelis, namataang magkahawak-kamay

- Trending si Joshua Garcia matapos ang pagkalat ng picture niya kasama ang YouTube star na si Bella Racelis

- Sa naturang picture ay makikita ang dalawa na naglalakad habang magkahawak-kamay

- Matatandaang nauna nang naging usap-usapan ang pagkakaugnay ng aktor sa YouTuber matapos i-post kamakailan ni Joshua ang picture ni Bella

- Gayunpaman, wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa kung sila ba ay opisyal nang magkarelasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Joshua Garcia at napapabalitang girlfriend nito na si Bella Racelis sa social media. Ito ay matapos kumalat ang picture nila na naglalakad habang magkahawak-kamay.

Joshua Garcia and Bella Racelis, namataang magkahawak-kamay
Joshua Garcia and Bella Racelis, namataang magkahawak-kamay (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Umani ito ng mga reaksiyon mula sa netizens. Napapabalita mang nagkakamabutihan ay wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa kung sila ba ay opisyal nang magkarelasyon.

Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng mga fans ni Joshua:

Read also

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

Ang daya hindi man lang pumila malapit na ako eh hahaha!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang motivational quote po natin today ay wala. Sumuko na tayong lahat hindi na natin kaya 'to.
Wala na. Finnish na! Broken na naman ako. Ang sakit Juswa! Bakit nman ganyan?

Si Joshua Garcia ay Filipino actor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng The Good Son at The Killer Bride. Naging bahagi din siya ng 2016 Metro Manila Film Festival entry na Vince, Kath, and James. Una siyang nakilala nang mapabilang siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Matatandaang nag-viral kamakailan si Joshua matapos magkomento ni Nicki Minaj sa kanyang TikTok video. Ang naturang video ay remix ng kanta ni Nicki na “Super Freaky Girl” at “Luxurious” ni Gwen Stefani. Isang smiling face at heart eyes emoji ang iniwang komento ni Nicki sa dance video ni Joshua. Naka-pin naman ang komentong ito ni Nicki na ni-like din ng aktor.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby

Naging usap-usapan din ang post ni Joshua sa kanyang photography account sa Instagram kung saan nag-post siya ng compilation ng picture ng YouTube star na si Bella Racelis. Naka-tag din ang IG account ni Bella sa naturang post niya. Matapos mag-viral, lalong naging maugong ang balitang nagkakamabutihan na ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel