Cristy, pinayuhan si Heart: "Itigil ang pagbibigay ng mga senyales"

Cristy, pinayuhan si Heart: "Itigil ang pagbibigay ng mga senyales"

- Binigyan ng payo ni Cristy Fermin si Heart Evangelista kaugnay sa matunog na usapan hiwalay na ito kay Senator Chiz Escudero

- Aniya, tila hindi maganda ang pagbibigay ng maliliit nitong detalye ukol sa naturang hiwalayan

- Nararapat lamang din na tularan si Sen. Chiz na nananatiling tahimik lang sa mga umano'y kaganapan tulad na rin ng naunang hiwalayan nito sa kanyang unang asawa

- Dagdag pa ni Cristy, hindi naman umano ito pag-uusapan ng mga tao kung hindi nagbibigay si Heart ng mga animo'y palatandaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay payo si Cristy Fermin sa umano'y mga maliliit na mga detalye na naibabahagi ni Heart Evangelista na tila may kaugnayan 'di umano sa usap-usapang hiwalayan nila ni Senator Chiz Escudero.

Cristy, pinayuhan si Heart: "Itigil ang pagbibigay ng mga senyales"
Heart Evangelist (@iamhearte)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na mas lalo umanong napapatanong ang publiko kung totoo ang naturang hiwalayan dahil sa mga naibabahagi ni Heart sa kanyang social media kamakailan.

Ayon kay Cristy, maging ang taumbayan na mismo ang nagsasabi na itigil na dapat umano ni Heart ang pagbibigay ng lead sa kung anuman ang pinagdaraanan nila ngayon ni Senator Chiz.

"Pero sana, pakiusap ng ating gma kababayan, itigil na rin ni Heart ang pagbibigay ng lead, pagbibigay ideya na meron talaga silang problema," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Yung mga bagay-bagay na mapapa one plus one sa ating mga kababayan, iwasan na ni Heart," dagdag pa ni Cristy lalo na at si Senator Chiz ay nananatiling tikom ang bibig sa naturang isyu.

"'Pag hindi ka nagbigay ng senyales na totoong may nagaganap, makita mo it will die a natural death," ani Cristy.

"Alam mo sa totoo lang kapag walang pain na isinasawsaw sa tubig, walang kakagatin ang mga isda," pahayag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan nina Romel Chika at Morly Alinio mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Maging ang mga kababayan nating OFW ay aliw na aliw sa kanilang tatlo na kanila rin namang madalas na pasalamatan sa kanilang programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel